• Home
  • Fresh Scoops
  • Matinding challenge para kay Cloe Barreto ang kanyang role sa ‘Tahan’.

Cloe Barreto, excited na makatrabaho sina Jaclyn Jose at JC Santos sa bagong pelikula

Matinding challenge para kay Cloe Barreto ang kanyang role sa ‘Tahan’.

Cloe Barreto, excited na makatrabaho sina Jaclyn Jose at JC Santos sa bagong pelikula-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/10/2022 12:01 PM
Cloe Barreto, excited na makatrabaho sina Jaclyn Jose at JC Santos sa bagong pelikula

Ang magaling na aktor na si JC Santos at ang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose ang makakasama  ni Cloe Barreto sa psychological thriller movie na pinamagatang Tahan. The film is produced by 3:16 Media Network, written by Quinn Carillo and will be directed by Bobby Bonifacio Jr.

Tahan is Cloe’s next big project pagkatapos niyang i-launch sa Vivamax movie na Silab kapartner sina Jason Abalos at Marco Gomez mula naman sa direksyon ni Joel Lamangan.

READ: EXCLUSIVE: Director Joel Lamangan sees huge acting potential in newbie sexy star Cloe Barreto in the film ‘Silab’


Ayon kay Cloe, excited siya na makatrabaho ang magagaling na artistang kagaya nina JC at Jaclyn.

“Sobrang galing po ni Ms. Jaclyn. Naka-work ko siya before, sa Anak ng Macho Dancer, pero wala po kaming eksena. So, parang sabi ko, ang galing niya! Natural na natural. Parang hindi siya umaarte.

“Yung pagsampal niya, ang galing! Nandun po ako sa set nung tine-take yon, e! Nasa likod ako. Kaya excited po ako na kinakabahan pag may eksena na kami together,” kuwento ni Cloe.

Dagdag pa ng dalaga, “Honestly, iba yung excitement na nararamdaman ko ngayon. Excited ako sa mga matututunan kay Ms. Jaclyn and siyempre kay JC din. I don’t know what will be my reaction kapag nakaharap ko na siya at nakaeksena. Siguro mai-star-struck ako o matutulala for a while,” kinikilig niyang sabi.

BASAHIN: Jaclyn Jose, may pakiusap sa mga baguhang artistang makakatrabaho niya

“With JC naman, pinapanood ko rin yung ilang movies niya noon and he is super galing. Very natural. I’m sure he will guide me in some of our scenes bilang siya naman yung datihan na,” sabi ulit ni Cloe.

Matinding challenge din ang kakaharapin ng gagampanang role ni Cloe sa Tahan bilang prostitute o sex worker na sa napakabatang edad ay namulat na agad sa kamunduhan habang ibinugaw na ng kanyang sariling ina.

“This is really a big challenge for me. Medyo mahirap talaga yung role kasi hindi lang naman siya basta prostitute lang, malalim yung pinaghuhugutan ng aking karakter kaya kailangan ko talaga siyang paghandaan. Basta pag nasa set naman ako, meron naman akong parang automatic switch, ‘Ako na si Elisse (her character), hindi na ako si Cloe,’ kaya tanggal na lahat ng inhibitions ko.

“At saka mas ready po ako ngayon. Mas palaban po ako ngayon!” paniniguro pa ni Cloe.

Kaagad namang nilinaw ni Cloe na hindi niya pinagdaanan ang pang-aabusong dinanas ng kanyang karakter sa poder ng kanyang ina.

Aniya, “Pero meron din po kasi akong mga pinagdaanan before na puwede kong i-apply sa Tahan, pero iba naman po. Fifteen years old pa lang po ako, eh, nag-work na po ako, sumali na po ako sa pageant, ganun po, modeling. Puwede ko po yung i-apply sa karakter ko dito. Kasi, eleven years old naman nag-work si Elisse.”

Meanwhile, nasa cast din ng Tahan sina Karl Medina, AJ Oteyza, Mac Cardona, Mercedes Cabral, EJ Salamante, Joseph San Jose, at Stiff Banzon.