• Home
  • Fresh Scoops
  • With the pandemic still ongoing, Bela Padilla says there is no place for bashers.

Bela Padilla on bashers: ‘Kung hindi mo kayang sabihin ang isang bagay sa harap ng isang tao, huwag mo sabihin sa internet’

With the pandemic still ongoing, Bela Padilla says there is no place for bashers.

Bela Padilla on bashers: ‘Kung hindi mo kayang sabihin ang isang bagay sa harap ng isang tao, huwag mo sabihin sa internet’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/10/2022 11:28 AM
Bela Padilla on bashers: ‘Kung hindi mo kayang sabihin ang isang bagay sa harap ng isang tao, huwag mo sabihin sa internet’
Photo credit: @belapadilla Instagram

Nagbigay ng reaksyon si Bela Padilla sa hindi matapus-tapos na online bashing sa social media na ang kadalasang nabibiktikma ay mga katulad niyang celebrity or public figure. Karaniwang pinupuna ng netizens ang itsura ng isang artista kapag pumapayat or tumataba ang mga ito.

“Minsan merong issue na sobrang mabigat pero hindi tayo tinatamaan. Doon pa tayo sa maliit minsan nasasaktan o minsan napipikon. I think we all process these comments… and yon nga, pagpuna, very differently,” komento ng aktres na bida, co-producer, writer at director ng pelikulang 366.

Iginiit din ni Bela na hindi siya sang-ayon na ginagawang normal ang pagki-criticize sa mga artista lalo na kung may kinalaman ito sa mga personal nilang buhay.


“No, I don’t think so po. Kasi at the end of the day, kami, trabaho lang din namin ito ginagawa namin. Kung nasa office po ba tayo, is it okay na naninita tayo o namumuna tayo ng mga tao? Di ba, merong HR (Human Resource Department) sa opisina pag may mga ganitong situation?

“I guess, ang difference for us actors is wala kaming ganu’n, wala kaming sumbungan na tutulong sa amin pag may ganitong nangyayari,” lahad pa niya.

READ: Bela Padilla, wala bang ilangan factor kay Zanjoe Marudo ngayong magkasama sila sa kanyang directorial debut movie?

Sana naman daw kung walang magandang sasabihin ang mga netizen ay sarilinin na lang nila ito para hindi na lang makasakit ng damdamin ng iba.

Pakiusap ni Bela, “Sana, to begin with, kung hindi mo kayang sabihin ang isang bagay sa harap ng isang tao, huwag mo sabihin sa internet. Huwag mong i-comment sa Instagram page ng mga tao.

“Hindi kasi tama, eh, lalo na may pinagdaanan na tayong global pandemic. Parang we’ve all gone through something so big, tama pa ba na naninita tayo ng maliliit na bagay?

“Saka 2022 na. Hindi na appropriate po na nagsasabi tayo ng mga ganitong bagay na nakakalungkot lang o nakakaapekto sa isang tao,” pahabol niyang pahayag.

Samantala, ayon kay Bela, kakaiba ang karakter na ginagampanan niya sa 366 kumpara sa previous movies na ginawa niya noon. Leading man ni Bela sa pelikula sina JC Santos at Zanjoe Marudo.

“My character here is so different from all the films I’ve done before kasi strong and spunky sila. Eh, dito sa 366, as June, I play someone very fragile who needs love after she loses her boyfriend Pao, played by JC. I find it so difficult to move on and Zanjoe as Marco volunteers to help me as a proxy boyfriend,” paglalarawan ni Bela.

READ: Bela Padilla, nag-react sa pagkumpara sa kanya kay Coco Martin bilang actor-director

May kaunti mang struggle bilang first time director, pero hindi rin naman daw siya masyadong nahirapan na gawin ang pelikula dahil sa tulong ng kanyang production team.

“Mas may room for me to play around thanks to my two leading men. Masaya kasi ang mga kaeksena ko, ang ganda ng energy na binibigay nila in every scene kaya napakadali ng trabaho namin. But yung first scene sa first shooting day, kabado ako.

“Buti si Zanjoe lang ang nasa unang eksena and may on and off button sa isip ko. Dito, director at artista ka, dito, director ka lang. May kaunti pang struggle to separate those two hats but it’s good my assistant director is napakagaling din, and with Direk Irene Villamor also helping us as creative producer, alam niya kung saan ko gusto dalhin ang bawat eksena,” kuwento ng aktres.

Malaki rin ang pasasalamat niya kina JC at Zanjoe dahil naging very collaborative ito sa kanya.

“I’m very grateful to both of them kasi they’re very professional and so easy to work with. Pareho kaming tatlo na easygoing lang, so madali kaming magtrabaho. I’m comfortable with them and I trust them so much. 

“Alam kong maasahan ko sila, so when Viva told me na sila ang makakatrabaho ko, I’m so happy kasi I know they’ll do well for a first time director like me. I really want to thank these two guys for supporting me in my directorial debut. I want it kasi to be collaborative and I don’t want any negative vibes on the set,” pahayag pa ng tinaguriang Philippine Cinema’s Queen of Hearts.

May paliwanag naman si Bela kung bakit 366 ang title ng pelikulang  mapapanood sa Vivamax simula April 15.

Aniya, “It is set kasi in a leap year kaya 366. I’m just amazed at the concept of having an extra day in a leap year. The movie is a labor of love for me and my co-stars.

“We shot some scenes in Turkey with cinematographer Pao Orendain capturing the beauty of the place. The film is a joint effort of many talents and I felt the universe is always conspiring to give us the best possible options while we’re filming it, sa locations and even the people we work with.”