• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila ‘unbothered’ na si Melai Cantiveros na piniling hindi na sagutin pa muli ang kanyang mga bashers.

TINGNAN: Melai Cantiveros, may pasaring sa kanyang mga bashers

Tila ‘unbothered’ na si Melai Cantiveros na piniling hindi na sagutin pa muli ang kanyang mga bashers.

TINGNAN: Melai Cantiveros, may pasaring sa kanyang mga bashers-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/01/2022 06:35 PM
TINGNAN: Melai Cantiveros, may pasaring sa kanyang mga bashers
Photo credits: @mrandmrsfrancisco on Instagram and MELASON on Facebook

Nitong mga nakaraang linggo, kaliwa’t-kanang pambabash ang natanggap ng Kapamilya TV host na si Melai Cantiveros. 

Kaya naman hindi na ito nakapagpigil at bumanat na sa kanyang mga bashers na pinuputakte siya sa social media.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Melai ang isang litrato kung saan nakasuot siya ng kulay pink na dress.


Dito, nagbigay siya ng mensahe sa kanyang mga bashers na tinawag niyang mga “sam” o “samukan” o mga nakakainis na tao.

READ: Melai Cantiveros salutes ABS-CBN for reassuring her pay despite program suspension due to COVID-19

Sinulat ni Melai ang kanyang post sa salitang bisaya. 

Ani Melai, ibabalik niya ang sinabi sa kanya ng mga bashers kabilang na din ang pagtira sa kanyang itsura.

Dagdag pa ni Melai, busy umano siya sa mga mahahalagang bagay sa kanyang buhay at wala umano siyang oras panoorin ang mga ginagawang pambabash sa kanya gamit ang mga videos sa TikTok. 

Biro pa ni Melai, parang ang swerte niya para pagtuunan siya ng pansin ng kanyang mga bashers. 

Samantala, pinuntirya naman si Melai ng mga trolls na lalo siyang pinag-initan. 

Pero tila “unbothered” ang Magandang Buhay host dahil hindi niya na pinansin ang mga ito.