‘Dati’ hitmaker na si Tippy Dos Santos, ikinasal na

Ikinasal na si Tippy Dos Santos.

‘Dati’ hitmaker na si Tippy Dos Santos, ikinasal na-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/01/2022 05:18 PM
‘Dati’ hitmaker na si Tippy Dos Santos, ikinasal na
Photo credits: @tippydossantos8 on Instagram

Ikinasal na ang dating MYX VJ at hitmaker ng kantang “Dati” na si Tippy Dos Santos sa kanyang boyfriend na si Miguel Porcuna nitong Huwebes, ika-31 ng Marso. 

Sa kanyang Instagram stories, sunod-sunod na ibinahagi ni Tippy ang mga kuha ng ilan sa kanyang malalapit na kaibigan at kamag-anak mula sa naganap nilang Christian wedding. 

Ibinahagi ng ina ni Tippy na si Happy Dos Santos ang isang video kung saan inawitan niya ang kanyang asawa ng kanta ni Ebe Dancel na “Bawat Daan.” Kilala ang nasabing awitin dahil sa liriko nitong “nag-iisang tiyak sa isang libong duda.”


Present  sa kanyang kasal ang kanyang malalapit na kaibigan at mga kapwa VJs na sina Robi Domingo at Ai Dela Cruz na nag-host ng kanyang kasal. Close na noon pa man ang tatlo na may grupong “3AM.”

READ: ‘Dati’ hitmaker Tippy Dos Santos gets engaged

Dapat ay ikakasal na si Tippy noong Enero ngunit nausog ito kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. 

Pansamantalang iniwan ni Tippy ang showbiz dahil pinili niya munang mas paglaanan ng oras ang kanyang pag-aaral ng abogasiya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. 

READ: Tippy Dos Santos, nag-aaral na ngayon ng abogasya sa UP

Maliban dito, kilala din bilang isang aktres si Tippy na lumabas na sa ilang pelikula at stage shows.

Isa marahil sa kanyang pinakasikat na awitin ang “Dati.”

Samantala, nagtatrabaho naman bilang isang piloto si Miguel.

Taong 2020 nang ma-engage sina Tippy at Miguel.