• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang isasagot ni Bea Alonzo kung sakaling mag-propose na si Dominic Roque?

Bea Alonzo, nape-pressure ba sa kanilang magkakaibigan na mag-settle down na?

Ano ang isasagot ni Bea Alonzo kung sakaling mag-propose na si Dominic Roque?

Bea Alonzo, nape-pressure ba sa kanilang magkakaibigan na mag-settle down na?-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/01/2022 04:11 PM
Bea Alonzo, nape-pressure ba sa kanilang magkakaibigan na mag-settle down na?
Photo credit to @beaalonzo Instagram

Sa muling pagharap ni Bea Alonzo sa entertainment press pagkatapos ng dalawang taon ay nagkuwento ang aktres tungkol sa naging reunion nila ng mga kaibigan na sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Anne Curtis, at Dimples Romana. Ayon kay Bea it took almost three years bago ulit sila nagkita-kita nang personal ng kanyang mga BFF.

Sa kanilang lima ay bukod tanging si Bea at Angelica na lang ang walang pamilya at hindi pa ikinakasal. Pero dahil buntis na nga si Angelica kaya any time soon ay posibleng magpakasal na rin ito sa kanyang boyfriend.

READ: Anne Curtis, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Dimples Romana, and Bea Alonzo reunite


Hindi ba siya nape-pressure na sa kanilang magkakaibigan ay siya na lang ang hindi nagse-settle down?

“Ako, masasabi ko siyempre, I’m very, very happy for my friends, lalo na si Angge. Alam ko talaga na yon talaga ang matagal na niyang gusto talaga, na magkaroon ng baby, so I’m very, very happy for her. Pero siyempre, may kanya-kanya tayong timeline.

“Hindi ako mape-pressure because all of my friends are married or gonna get married or having babies. Sa totoo lang, kung na-pressure ako, parang dapat 5 years or 4 years ago pa kasi yung mga kaibigan from high school, mga nagsipag-asawa na saka mga nagsipag-anak na.

“So, yon nga, parang kanya-kanya tayo ng ano, eh, kanya-kanya tayo ng kumpas sa buhay. Kanya-kanya tayo ng struggles, kanya-kanya tayo ng blessings and I refuse to be compared to these wonderful women kasi kanya-kanya tayo ng strength and weaknesses,” katwiran ni Bea.

READ: Angelica Panganiban on her pregnancy: ‘Napakatagal kong hinintay ito’

Nakausap si Bea ng PUSH at ng entertainment press sa presscon at contract signing niya sa Beautederm Corporation bilang newest celebrity ambassador ng kompanyang pag-aari ni Rhea Tan.

Eh, what if bigla na lang mag-propose sa kanya ang boyfriend na si Dominic Roque at yayain siyang pakasal?

Natatawang sagot ni Bea, “Oh my God, oo, nga! Siyempre naman…  I mean, hindi naman ako nandito sa relasyon para lang maglaro, di ba? Alam naman natin na siyempre, at my age, I want that also.”

“Pero sa bagay na yan, siyempre I can’t speak for him, and alam naman niya na marami rin akong gagawin. Alam naman niya kung ano yung mga priorities ko sa ngayon. Pero kung sakaling magpo-propose siya, siyemre, o-oo ako.  Pero siyempre, I’ll cross the bridge when I get there,” dugtong pa niya.

READ: Celebrities react to Angelica Panganiban’s pregnancy

Sa interview kay Bea ay kanya ring inamin na nakaramdam siya ng takot at pamgamba bago siya mag-30 years old noong October 17, 2017.

Lahad ng ngayon ay 34-year-old actress, “To tell you honestly, when I was turning 30, I was so scared to turn 30. Kasi iniisip ko sa business na ito, kapag 30 ka na, parang konti na lang ang magagawa mo.

“And siguro, society taught us na kapag 30s ka na, ang babae dapat nag-aasawa na. Nagse-settle down na. Eh, at that time, I was at the point of my life na ibang-iba pa ang buhay ko noon. Ibang-iba pa yung circumstances and I wasn’t there yet. Parang iniisip ko, ‘Anong gagawin ko, thirties na ako?’ Tapos na rin ako sa iba kong mga pangarap. But then, when I finally turned 30, parang iba pala yung buhay.”

“Now, I think I am more comfortable with my own skin. I can talk about my weaknesses. I can talk about my vulnerabilities na hindi ko napag-uusapan when I was in my 20s na mas siguro, marami kang reservations or insecurities when you’re in your 20s. Pero ngayon, in my 30s, parang kaya ko nang sabihin freely what’s in my heart. Mas less filtered ka na and parang mas masaya yung 30s for me, personal experience ko. Parang mas enjoy ako,” sabi pa niya.

Samantala, si Bea who will represent Reiko Slimaxine at Reiko Fitox na pawang mga all-natural supplements ay ay pang-76th celebrity endorser na ng Beautederm.