• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto says it’s a part of her commitment to her craft to take on daring scenes.

Julia Barretto on shooting daring scenes in her movies: ‘It’s a leap of faith I have to take’

Julia Barretto says it’s a part of her commitment to her craft to take on daring scenes.

Julia Barretto on shooting daring scenes in her movies: ‘It’s a leap of faith I have to take’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/09/2022 04:00 PM
Julia Barretto on shooting daring scenes in her movies: ‘It’s a leap of faith I have to take’
Screenshot from Bahay Na Pula MediaCon,

Nagsimula nang maging daring sa pagtanggap ng role sa pelikula si Julia Barretto. Bagama’t hindi naman talaga siya nagpakita ng flesh sa Bahay Na Pula ni Direk Brillante pero yung konsepto ng kanyang role sa pelikula ay masasabing daring na.

In the film na streaming ngayon sa Vivamax, may mga eksena si Julia na naka-underwear lang. Meron din siyang rape scene sa pelikula kung saan isang demonyo ang gumagahasa sa kanya.

Ani Julia na parang hindi makapaniwala,”Ibang-iba talaga ito sa mga nagawa kong pelikula.”


“It’s a leap of faith I have to take. After all, it’s part of growing up and growing old if I really want to be committed to and passionate with my craft,” dagdag na paliwanag pa ni Julia.

READ: Julia Barretto stars in horror film 'Bahay Na Pula'

Sa isa pang bagong pelikula ng aktres na may titulong Expensive Candy ay muling makikita kung gaano na siya ka-mature bilang aktres.

“I recently shot another film, Expensive Candy, which also required a lot of courage on my part. So, little by little, nakakagawa ako ng kind of daring sexy films,” lahad pa ng dating Star Magic artist.

Muli niyang sabi,  “It’s not just about doing love scenes or doing daring things for the first time. It’s part of your willingness to show how committed you are in your profession as an actress.

“Ayoko rin namang masyadong magkaroon ng limitations, kasi siyempre, parang binibigyan ko rin ng limitations yung mga taong nasa likod ng creative process ng pelikula. 

“So, you have to give them that trust because they’re giving me their trust and malaking bagay kasi sa akin ang pinagkakatiwalaan ako. So, as much as possible, pinahahalagahan ko yon, iniingatan ko yun. And I’m 24, tumatanda na rin ako, so wala na akong excuse na umayaw,” katwiran pa ni Julia.

READ: Julia Barretto, aminadong si Brillante Mendoza ang dahilan kung bakit siya pumayag gumawa ng horror film

Samantala, kung daring si Julia sa Bahay Na Pula ay wholesome naman ulit ang role niya sa Vivamax series na The Seniors kasama sina Ella Cruz, Awra Briguela, at Andrea Babierra.

It’s about Gen Z students in the province, Pacaque Rural High School. 

“I play Diana, a city girl from Manila na lumipat sa province at yun, she’s a game changer kaya na-threaten sa akin yung mean girls doon sa school and hina-harass nila ako,” kuwento ng dalaga.

Natanong din si Julia kung nakaranas din ba siya ng pambu-bully noong estudyante pa lamang siya.

“No. My mom requested me to finish high school and I did, pero sa home study program ako, eh. But here, we portray bullying situations na nangyayari talaga in schools,” sagot ng dalaga.

Mapapanood ang The Seniors simula March 20 sa Vivamax.