• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasama ni Geneva Cruz ang kanyang mga dating ka-miyembro sa Smokey Mountain sa kanyang graduation.

Geneva Cruz, isa nang ganap na Philippine Air Force reservist: ‘Ready to serve and protect’

Kasama ni Geneva Cruz ang kanyang mga dating ka-miyembro sa Smokey Mountain sa kanyang graduation.

Geneva Cruz, isa nang ganap na Philippine Air Force reservist: ‘Ready to serve and protect’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/09/2022 05:59 PM
Geneva Cruz, isa nang ganap na Philippine Air Force reservist: ‘Ready to serve and protect’
Photo credit to @genevacruzofficial Instagram

Isa nang ganap na reservist ng Philippine Air Force ang singer at aktres na si Geneva Cruz. 

Naganap ang kanyang graduation nitong Miyerkoles, ika-9 ng Marso. 


Sa isang mahabang post sa Instagram, ibinahagi ni Geneva ang mga litrato mula sa kanyang naging training. 

Dito, ibinahagi niya ang ilan sa kanyang mga natutunan mula sa kanyang naging karanasan. 

“Respect. Loyalty. Honor. Big words I learned as a kid but never really truly fully grasped—until now,” ani Geneva. 

Nag-iba din umano ang tingin niya sa mga taong bahagi ng Air Force. 

“I have always been fascinated by the mystique and allure of a soldier's charmed life. There’s something about their aura that’s appealing and engaging to me,” aniya. 

“On the outside, it's easy to romanticize the trimmings—the snappy uniform, the clockwork precision, the gut-busting physical training, and discipline—while at the same time trying to grasp the abstract concepts of heroism, patriotism, and courage on the one hand, and the gore and sheer horror of war and bloodshed on the other,” dagdag pa nito. 

“I realized that you never really get to understand a soldier's life until you step in their boots. Today, I step in my boots and flaunt my badge as a proud member of the Philippine Air Force's reserve command,” pagpapatuloy pa niya. 

“It's been said that the unexamined life is not worth living, and I agree. But today, as I grow bolder, wiser, and take up the cudgels for women's empowerment, I say that a meaningful life is worth dying for,” aniya pa niya. 

May mensahe naman si Geneva sa mga taong nagdududa sa kanyang kakayahan. 

“No, this isn't a movie or a teleserye; it's real life. If you have doubts if I truly deserve this badge... Maybe you should enlist, too; it's time to put your money where your mouth is, and It's never too late to make something out of your life,” aniya.  “Instead of belittling and frowning upon another person’s passions and truth,” saad niya. 

Samantala, handa na umano siya sa panibagong yugto ng kanyang buhay: “Sergeant Cruz, ready to serve and protect.” 

Sinamahan naman si Geneva ng malapit nitong kaibigan at kapwa miyembro sa Smokey Mountain na si Jeffrey Hidalgo. Present din si Tony Lambino na kasama din nila sa parehong OPM group noon.

Tingnan ang larawan sa ibaba: 

Si Geneva Cruz ay bahagi ng pamilya Cruz na isa sa mga kilalang angkan sa mundo ng showbiz. Ilan sa mga sikat niyang kamag-anak sina Sheryl Cruz, Donna Cruz, Sunshine Cruz, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, at Tirso Cruz III. 

Isa siya sa mga lead singers ng grupong Smokey Mountain na nagpasikat ng awiting “Kailan.” Bilang isang solo artist, nakilala si Geneva sa kanyang awitin na “Anak Ng Pasig.” 

READ: Geneva Cruz, 45, shares secret to fit body

Lumabas din si Geneva sa iba’t-ibang pelikula gaya ng Campus Girls at Weyt A Minit, Kapeng Mainit.

Matatandaang kinasal siya noong 2004 kay KC Montero ngunit naghiwalay din makalipas ang anim na taon. 

READ: Geneva Cruz to release new song after 8 years

May dalawang anak naman si Geneva: si Heaven Arespacochaga sa musikero na si Paco Arespacochaga at si London na anak niya sa dati nitong boyfriend na si Lee Paulsen.