• Home
  • Fresh Scoops
  • Bibida sina Diego Loyzaga at Sue Ramirez sa bagong pelikula ng direktor na si Jason Paul Laxamana na pinamagatang ‘Mr. Heartless.‘

Diego Loyzaga at Sue Ramirez, magsasama sa pelikula

Bibida sina Diego Loyzaga at Sue Ramirez sa bagong pelikula ng direktor na si Jason Paul Laxamana na pinamagatang ‘Mr. Heartless.‘

Diego Loyzaga at Sue Ramirez, magsasama sa pelikula-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/09/2022 12:36 PM
Diego Loyzaga at Sue Ramirez, magsasama sa pelikula
Photo credits to @jplaxamana on Instagram

Magsasama sa isang pelikula ang aktor na si Diego Loyzaga at ang aktres na si Sue Ramirez. 

Bibida ang dalawa sa bagong proyekto ng direktor na si Jason Paul Laxamana na pinamagatang Mr. Heartless.

Inanunsyo ito ni Jason sa kanyang post sa Instagram kung saan makikitang kasama niya sina Diego at Sue.


Hindi ito ang unang pagkakataon na magsasama sina Diego at Sue sa iisang proyekto. Noong 2015, nagkatrabaho rin ang dalawa sa teleseryeng Pangako Sa 'Yo na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Huling napanood si Diego sa pelikulang The Wife ng Viva Films. Nakatakda rin siyang mapanood sa Greed kasama ang aktres na si Nadine Lustre.

Samantala, bida naman si Sue ng ABS-CBN primetime series na The Broken Marriage Vow. Hango ang palabas sa BBC award-winning drama na Doctor Foster. Kasama niya rito sina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo.

Sa ngayon ay wala pang ibang detalyeng inaanunsyo tungkol sa Mr. Heartless.