• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Chesca Garcia na hindi prayoridad sa ngayon ang sumali ang anak na si Kendra Kramer sa mga beauty pageants.

Chesca Garcia, papayagan ba ang anak na si Kendra na sumali ng beauty pageants?

Sinabi ni Chesca Garcia na hindi prayoridad sa ngayon ang sumali ang anak na si Kendra Kramer sa mga beauty pageants.

Chesca Garcia, papayagan ba ang anak na si Kendra na sumali ng beauty pageants?-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/09/2022 06:54 PM
Chesca Garcia, papayagan ba ang anak na si Kendra na sumali ng beauty pageants?
Photo credit to @chekakramer Instagram

“It’s not a priority.” 

Ito ang tugon ni Chesca Garcia nang tanungin kung papayagan niya ang kanyang anak na si Kendra Kramer na sumali sa mga beauty pageants sa hinaharap. 

Marami ang nag-uudyok kay Kendra na sumali sa beauty pageants dahil na rin sa mala-modelo nitong ganda.

Samantala, may mga nagsasabi din na kamukha nito ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray. 

Bata pa lamang si Kendra, marami na ang nakakakilala sa kanya dahil na rin sa iba’t-ibang proyekto at endorsements nito. 

Ngunit sa panayam ni Chesca sa PEP, naniniwala umano ito na makakaantay ito at hindi umano ito prayoridad sa ngayon ng kanyang dose anyos na anak.  

“Those things can wait, and right now, it's not a priority,” ani Chesca. 

Kung may dapat umanong gawing prayoridad si Kendra, ito ang kanyang pag-aaral at ang paglalaro ng sports. 

READ: Kendra Kramer blossoms into a beautiful young lady

"The priorities for her is to do what she has to do, go to school, finish her studies," aniya. "Also she's into sports, for her to really enjoy that, and set goals for the things that she needs to do,” dagdag pa nito. 

Ani pa ni Chesca, darating din umano ang panahong para gumawa ng desisyon para rito. 

"I think in time, when it is already right, we will get to that point, but while it's not yet there, we focus on what is now,” she said. 

Gayunpaman, hindi sinasara ni Chesca ang pinto sa kung ano man maaaring mangyari sa hinaharap. Sinabi din niya na sususportahan nila ng kanyang asawa na si Doug si Kendra sa kung ano man ang gusto nitong gawin sa hinaharap. 

READ: Kendra and Scarlet Kramer as K-pop stars

"I think more than the pageantry and those things that are her interests, I think the kind of support that we're giving to her is just to be there for her, to really guide her which we've been doing ever since," ani pa niya.