• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Mygz Molino na unti-unti na siyang nakakarekober mula sa pagkamatay ni Mahal.

Mygz Molino, inaming nagiging emosyonal pa rin tuwing naaalala si Mahal

Sinabi ni Mygz Molino na unti-unti na siyang nakakarekober mula sa pagkamatay ni Mahal.

Mygz Molino, inaming nagiging emosyonal pa rin tuwing naaalala si Mahal -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/08/2022 10:40 AM
Mygz Molino, inaming nagiging emosyonal pa rin tuwing naaalala si Mahal
Photo credits to @mygz.molino on Instagram

Ikinuwento ni Mygz Molino na malapit na kaibigan ni Mahal kung ano ang nararamdaman niyang tuwing naalala niya ang namayapang aktres. 

Sa panayam nito kay Ogie Diaz, naging bukas si Mygz tungkol dito. 

Bagama’t unti-unti na siyang nakakarekober mula sa lungkot na dinanas sa pagpanaw ni Mahal, pinipili na lamang umano niya maging busy para hindi na umano niya ito masyadong isipin. 


Kwento pa ni Mygz, hindi niya mapigilang hindi maaalala ang mga sandali na magkasama sila ni Mahal sa tuwing mag-isa lang siya sa bahay. 

“Kaya ngayon, ang ginagawa ko every time nandoon ako sa bahay, talagang papasok at papasok sa isip ko ‘yung mga ganoong bagay kasi bawat sulok ng bahay, bawat lugar, sa kwarto, makikita mo talaga siya kaya minsan. Lumalabas-labas na rin ako para maiba ‘yung ginagalawan ko,” aniya. 

Mygz Molino, idinetalye ang mga huling araw ni Mahal

Kwento pa ni Mygz, humuhugot siya ng lakas sa Panginoon, sa pamilya, at sa mga kaibigan niya.

“Ngayon, okay naman po sa tulong ng Panginoon. Siyempre doon ako kumukuha ng lakas ng loob bukod sa pamilya, sa mga kaibigan. Siyempre sa ating mga ka-bunso, sila rin ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para harapin ang mga pagsubok na dumarating sa akin,” aniya. 

Gayunpaman, inamin niyang nakakatanggap siya ng pambabash mula sa mga netizens na isang bagay na inamin niya ay sana matigil na. Hiling pa nito, sana ay hindi na ito magpatuloy lalo pa’t gusto umano ni Mahal na masaya lang ang lahat.