• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkatrabaho na noon sina Bela Padilla at Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Bela Padilla, nag-react sa pagkumpara sa kanya kay Coco Martin bilang actor-director

Nagkatrabaho na noon sina Bela Padilla at Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Bela Padilla, nag-react sa pagkumpara sa kanya kay Coco Martin bilang actor-director-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/08/2022 10:23 AM
Bela Padilla, nag-react sa pagkumpara sa kanya kay Coco Martin bilang actor-director

Natupad na ang pangarap ni Bela Padilla na maging direktor ng isang full length film. Her first film is titled 366 na siya rin ang sumulat ng script at bumida kasama sina Zanjoe Marudo at JC Santos.

Sa ginanap na virtual mediacon ay hindi maiwasang maikumpara si Bela sa kay Coco Martin na nakasama niya noon sa action seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Katulad ni Bela, si Coco rin ang director, writer, at bida ng FPJAP na napapanood sa Kapamilya channel.

“That is very sweet, maraming salamat. Coco is a very, very talented person. Bukod sa pagiging actor/director kahit noong umpisa palang ng Probinsyano nung nandoon pa ako siya rin ang nagko-conceptualize ng maraming plot ng Probinsyano, so, he’s really a creative force I guess in his generaton, in his world,  So, I’m very happy for him and very proud of him,” nakangiti niyang reaksyon.


Bela Padilla, babalik sa Pilipinas para sa i-promote ang directorial debut niya na ‘366’

Hindi rin daw masasabing ka-level na niya si Coco dahil aminado siyang marami pa siyang kailangang matutunan bilang director.

“I think malayo pa yung kailangan kong tahakin para masabing ka-level ko si Coco,” sabay tawa ni Bela.

“Kasi Coco yon, eh. Pag umabot na po ako sa suweldo ni Coco, masasabi ko na talaga na ka-level ko na siya,” biro pa niya.

“But seriously, I’m happy to be compared to Coco because I have great respect to him as yon nga sa creative force, but we do different projects. I cannot… hindi ko kayang mag-direk ng action, I cannot come up with action scenes.

“And I guess in the same way na baka there are things na I can do na hindi naman kayang gawin ni Coco, so we’re very different, yon. Thank you,” dagdag niyang pahayag.

Bela Padilla reveals Liza Soberano was her first choice to star in her directorial debut ‘366’

Anong klaseng direktor si Bela? Nagmumura din ba siya sa set tulad ng ibang mga direktor?

Sagot ni Bela, “Naku, never! Ayoko ng… kahit sa ibang set, nate-tense ako kapag may ibang direktor na nagmumura. Never pa akong namura ng direktor to be fair, never pa akong nasigawan. Ay hindi, baka nasigawan na ako noong baguhan ako, pero yung diretsong ikaw mismo ang mumurahin parang never pa nangyari sa akin yon.

“But I’ve seen it happened and ayaw na ayaw ko yung nangyayari sa artista kapag nasisigawan sila o kahit hindi artista kahit crew or kapag nasigawan, nakikita mo silang mag-close as a person. Once na nag-close ka na, ‘shocks napagalitan ako o pumalpak ako hindi ka na creative, eh.

“Kasi parang nasa loob ka na ng shell mo ulit. Also at the end of the day, trabaho lang ‘to hindi tayo dapat umaabot na minumura natin yung katrabaho natin. Kasi kung nasa office tayo right now hindi naman tayo puwedeng magsigawan at hindi ko puwedeng murahin yung secretary ko or kung sinuman yung katabi ko sa office. Hindi naman po normal, so, dapat hindi ginagawa talaga.

“And maraming ways to evoke emotions hindi naman kailangang takutin yung mga tao para umiyak sila,” paliwanag ni Bela kung anong klase siyang direktor.

WATCH: Bela Padilla, Zanjoe Marudo in heartbreaking '366' trailer

Eh, paano kung hindi agad maibigay ng artista ang emosyong hinihingi niya sa isang eksena?

“They’re not ready yet, they need more education, need more training. Baka that’s one thing to consider, I hope,” rason ng aktres/direktor.

“Kung lagi kang nasisigawan ng direktor mo o namumura baka panahon na para mag-workshop ka or baka dapat mag consider ka na ng options mo to learn acting, so, hindi ka nasisigawan. Definitely that’s a no-no in my set, I don’t entertain that idea of people being bad temperered On my set.

“Yon ang number one rule ko sa set ng 366, bawal ma-bad trip, so, gusto ko good vibes lagi sa set ayaw ko nang nagtataas ng boses. Unang-una kasi ang boses ko hindi ganu’n kalakas pag may ibang nagsisigawan at nagbigay ako ng instruction hindi na nila ako maririnig, so, kung puwede lahat kalma lang tayo, chill na chill lang, so, nagpapatugtog lang kami ng music sa set very malumanay.

“Kung made-describe ko yung set ko, dalagang Filipina yung set ko. And one thing I also love directing kaya nasabi kong mauulit ko siya is I guess watching (the) whole creation after kong ma-edit, ‘Shocks ito yung sinulat ko, now pelikula na’, gusto kong maramdaman yon ulit,” patuloy niyang paliwanag.

Ang 366 ay kuwento ng moving on sa taong nawalan ng minamahal na aabutin ng 366 days para completely mag-healed na siya. Mapapanood ito sa Vivamax simula sa April 22.