• Home
  • Fresh Scoops
  • Si 1969 Miss Universe Gloria Diaz mismo ang judge nang nasungkit ni Dimples Romana ang Binibining Parañaque.

THROWBACK: Dimples Romana, unang sumabak bilang beauty queen

Si 1969 Miss Universe Gloria Diaz mismo ang judge nang nasungkit ni Dimples Romana ang Binibining Parañaque.

THROWBACK: Dimples Romana, unang sumabak bilang beauty queen-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/07/2022 03:40 PM
THROWBACK: Dimples Romana, unang sumabak bilang beauty queen
Photo credits to @dimplesromana on Instagram

Nag-viral sa pageant fans ang mga litrato na ibinahagi ng Parañaque Tourism Official sa kanilang Facebook page.

Dito, makikita ang naging pagsabak noon ni Dianne Marie Romana o mas kilala bilang si Dimples Romana bilang kauna-unahang Binibining Parañaque 2000.

Sa naging caption ng litrato sa Facebook page, itinanghal si Dimples bilang Binibining Parañaque representing Barangay Sun Valley na ginanap noon sa St. Paul College of Parañaque.


PHOTO COURTESY PARAÑAQUE TOURISM OFFICIAL FACEBOOK PAGE 

Sa mga litrato, extra special ang naging coronation kay Dimples dahil ang first ever Pinay Miss Universe na si Gloria Diaz ang nag-korona sa kaniya bilang Binibing Parañaque.

Taong 2000 rin nang tumatayong mayor ng Parañaque ang actor-comedian na si Joey Marquez na nakakasabayan na rin ngayon ng Kapamilya actress sa ilang ABS-CBN shows.

Hindi man nakilala sa mundo ng pageantry, well known actress naman ngayon si Dimples at isang proud nanay sa kaniyang dalawang anak na sina Callie at Alonzo at maybahay ni Boyet Ahmee.

EMBED WITHOUT CAPTION:

https://www.facebook.com/113616540507806/posts/446046683931455/?d=n&mibextid=pDb1qaaRXks57wmY