• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Boy Bastos’ actress Rose Van Ginkel talks about being uncomfortable being an object of male fantasies.

Rose Van Ginkel on being a reluctant sexy star: ‘Ang gusto ko talaga mapansin yung acting skills ko’

‘Boy Bastos’ actress Rose Van Ginkel talks about being uncomfortable being an object of male fantasies.

Rose Van Ginkel on being a reluctant sexy star: ‘Ang gusto ko talaga mapansin yung acting skills ko’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

03/07/2022 04:59 PM
Rose Van Ginkel on being a reluctant sexy star: ‘Ang gusto ko talaga mapansin yung acting skills ko’
Photo Credit to Viva Communications Inc.

After starting out in showbiz as part of the all-female group Pop Girls in 2009, actress Rose Van Ginkel shared how she has adjusted from working in a group to becoming a solo artist as one of Vivamax’s most popular stars.

“Kasi before kapag lumalabas ako on TV or on stage, minsan may mga panahon ako na parang hindi ako okay. Na parang kunyari pagod ako or wala ako sa mood, parang okay lang kasi alam mo na meron kang kasama na nandiyan para sa ‘yo. Hindi kasi katulad ngayon na parang ngayon na kailangan ko maging ready kasi mag-isa na ako ngayon. Kailangan prepared ako palagi once na nakikita ako ng mga tao. Unlike before na okay lang na kahit may mga days na hindi ako okay kasi nandiyan naman sila. For sure okay pa din yung performance dahil nandiyan yung ka-grupo mo. So teamwork talaga hindi katulad ngayon na solo na. Ngayon kailangan mas handa ka na kapag may kaharap ka ng ibang tao,” she admitted. 

READ: ‘69+1’ star Rose Van Ginkel on almost quitting showbiz: ‘Na-inspire ako ulit’

 Despite showing off more of her sexy side in recent film projects like 69 + 1, Sanggano, sanggago't sanggwapo 2: Aussie! Aussie!, and Boy Bastos, Rose said she is still reluctant to be identified as a sexy star.

“Sa ngayon hindi ko pa siya talaga siyang 100% sure. Pero siyempre passion ko itong ginagawa ko ngayon so nandito ako sa moment na ini-explore ko lahat ng role na kaya kong gawin. And yung pinaka gusto ko talaga is mapansin yung acting skills ko so para dun gusto kong ma-experience lahat. So itong pagpapa-sexy tinitingnan ko kung kaya ko ba siyang gawin or hindi? Pero hindi pa ako 100% iniisip ko na sexy star na ako forever. Parang nag-e-explore pa ako ngayon,” she explained. 

READ: Rose Van Ginkel on working with Andrew E: ‘Meron siyang words of wisdom’ Rose Van Ginkel

At 27 years old, Rose said she would still prefer to not bare it all onscreen.

“Well as much as possible hindi. Pero if kasama siya sa movie then nakikita ko naman na kailangan talaga siya then gagawin ko siya. May limit kasi ako eh. For example bago ko gawin yung mga eksena na sensitive talaga, lagi kong sinsasabi sa director na gusto ko ganitong level lang. Ayoko na yung point ng shot na yun is para ipakita yung katawan ko. Ayoko siyang makitang ganun,” she added. 

READ: ‘Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2’ stars share their New Year’s resolutions

As the object of male fantasies, Rose revealed that it took a while for her to adjust to her new onscreen persona.

“Before kasi ayoko kasing ginaganun ako ng mga tao. Mahiyain kasi ako and introvert akong tao so napag-aaralan ko na huwag na lang siyang pansinin. Parang kung lalakad ako, dun lang ako titingin. Napapansin din ng mga friends ko. Pero sa akin kasi deadma na lang, bahala na. Parang ang hirap naman kasi na habang naglalakad ka titingin ka kung tumitingin ba sila sa akin. Pero dun sa movie ganun nga yung role ko na si ma’am Katey tinitingnan ng mga estudyante, “ she said.

In future projects, Rose shared that she would love to be part of action and dance-themed film projects again. 

Watch Boy Bastos on VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada and America. Starring Wilbert Ross, Rose Van Ginkel, Jela Cuenca, Rob Guinto, and Bob Bailey. Directed by Victor Villanueva.