• Home
  • Fresh Scoops
  • Biktima ng dukot wallet gang ang ina ni Nadia Montenegro sa isang membership supermarket; nanakawan ng 130,000 piso.

Nadia Montenegro, ikinatuwa na nahuli ang isa sa magnanakaw na nambiktima sa kanyang ina

Biktima ng dukot wallet gang ang ina ni Nadia Montenegro sa isang membership supermarket; nanakawan ng 130,000 piso.

Nadia Montenegro, ikinatuwa na nahuli ang isa sa magnanakaw na nambiktima sa kanyang ina-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/06/2022 10:30 AM
Nadia Montenegro, ikinatuwa na nahuli ang isa sa magnanakaw na nambiktima sa kanyang ina
Photo credit: @officialnadiam Instagram

May hinaing si Nadia Montenegro tungkol sa naging karanasan ng kanyang ina sa isang membership supermarket kung saan nanakawan ito ng pera na nagkakahalaga ng 130,000 piso. 

Sa isang video na kinuhanan mismo ni Nadia sa loob ng nasabing membership club, ibinahagi nito kung paano isinagawa ng pitong tao ang kanilang operasyon. 

Sa isa namang Instagram post, ipinaliwanag ni Nadia na agad na nag-withdraw sa isang ATM (Automated Teller Machine) sa isang katabing mall ng naturang establisyemente ang mga salarin.

Nahuli naman nitong Sabado, ika-5 ng Marso, ang isang taong sangkot sa naturang insidente.

Ani Nadia, hindi niya maintindihan kung bakit hinahayaan ng pamunuan ng membership-only supermarket ang ganitong mga insidente gayong marami na ang nagrereklamo sa kanila. 

“Ang dami-dami dami na palang kaso ng nakawan! Ang dami ng nagreklamo binalewala nyo mga members niyo,” aniya.

Matapang pa nitong pahayag, tila pinoprotektahan ng member-only supermarket ang mga criminal kaysa bigyang pansin ang hinaing ng mga ito. 

LOOK: Nadia Montenegro releases cook book

“Mas protektado pa mga kriminal kasi pahirapan makakuha ng info na dapat kayo pa unang concerned,” saad ni Nadia. 

Diin pa ni Nadia, siya lamang umano ang nagkaroon ng pagkakataon na mapa-imbestigahan ito dahil mas pinipili umano ng nasabing supermarket na itago ang mga kaganapan sa loob nito mula sa publiko. 

“Matagal na pala ‘tong nangyayari. Ako lang pala nakapagpasok ng pulis sa establishment niyo kasi news black-out kayo sa mga kaso ng members niyo,” ani Nadia. 

Naniniwala naman si Nadia na mabibigyan ng hustisya ang mga taong nabiktima gaya niya. 

“Naglalabasan na isa isa mga victims. Nakakagalit kayo! S&R membership shopping S&R Zabarte justice will be served!”