• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ni Madam Inutz na maging emosyonal nang inalala ang mga pinagdaanan.

Madam Inutz, naging emosyonal nang ibahagi ang kanyang pinagdaanan sa buhay: ‘Look at me now’

Hindi napigilan ni Madam Inutz na maging emosyonal nang inalala ang mga pinagdaanan.

Madam Inutz, naging emosyonal nang ibahagi ang kanyang pinagdaanan sa buhay: ‘Look at me now’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/06/2022 05:02 PM
Madam Inutz, naging emosyonal nang ibahagi ang kanyang pinagdaanan sa buhay: ‘Look at me now’
Screenshot from Karen Davila YouTube Channel

Naging emosyonal si Madam Inutz o Daisy Lopez Cabantog nang ibahagi niya ang kanyang mga pinagdaanan upang marating ang kanyang tinatamasang tagumpay ngayon. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by DAISY LOPEZ (@daisyinutz)

Sa vlog na inilabas ni Karen Davila nitong Sabado, ika-5 ng Marso, sinabi nito na nagdesisyon siyang lumipat sa Cavite matapos magkaroon ng stroke ng kanyang ina. 


Ani Madam Inutz, mas mura umano ang renta sa Cavite kaya pinili niya ditong manirahan. Dahil dito, nakakapaglaan siya ng pera para sa pampapagamot ng kanyang ina. 

Pagbabahagi pa ni Madam Inutz, doble kayod siya para kumita sa ibinebenta niya sa kanyang online selling. 

Aniya, ang kanyang ina ang kanyang naging inspirasyon para magsumikap sa buhay. Nagkaroon umano siya ng utang na inabot ng isang daang libong piso. 

Dito, ipinaliwanag din ni Madam Inutz ang dahilan kung paano nabuo ang tawag niya sa kanyang sarili na Madam Inutz. 

“Parang feeling ko sa sarili ko inutil ako dahil noong naghiwalay kami ng ex-boyfriend ko, sinabi niya sa akin ’useless ka, wala kang silbi’. So du’n ako [napaisip] na ah [baka] inutil pala ako,” ani Madam Inutz. 

PANOORIN: Madam Inutz, niregaluhan ng house and lot ng manager bago pumasok sa ‘Pinoy Big Brother’

“Bago kami maghiwalay, sabi niya sa akin ‘You will never be famous. Stop dreaming You can’t live without my support.’”

Mensahe naman ni Madam Inutz para sa kanyang dating boyfriend: “Look at me now.” 

Hindi naman umano nagpatibag si Madam Inutz sa ibinato sa kanyang mga masasakit na salita at pinatuyan niya na kaya niyang buhayin ang sarili niya at ang kanyang pamilya kahit wala na ang kanyang ex-boyfriend. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by DAISY LOPEZ (@daisyinutz)

“Pinatunayan ko sa kanya na kahit walang support mo, kaya kong buhayin ‘yung mga anak ko — nang hindi ako nanghihingi sa ‘yo,” anii Madam Inutz.  

Isa pa sa mga naging sakripisyo ni Madam Inutz para sa kanyang pamilya ay ang pagtatrabaho bilang entertainer sa Japan at Korea. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Samantala, ipinasilip din ni Madam Inutz ang sikat na kwarto kung saan nagaganap ang kanyang mga live online selling sa Facebook.