Kasabay ng pagluwag ng mga quarantine restrictions sa bansa ang nalalapit na pagbabalik at pagbubukas ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) league na binubuo ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang kolehiyo sa Pilipinas.
Bagama’t dalawang taon din natigil ang UAAP games dahil sa pandemiya dulot ng COVID-19, nakatakdang magsimula muli ito sa Marso 26, ayon kay UAAP president Emmanuel Calanog.
Kabilang sa mga larong magbabalik ay ang men’s basketball tournament, women’s volleyball tournament, at ang cheer dance competition.
Kasama pa rin sa participating schools ang Ateneo De Manila University, Adamson University, De La Salle University, National University, University of the East, University of the Philippines, Far Eastern University, at ang University of Santo Tomas.
Samantala, mapapanood ito ng libre via the GigaPlay app. Ayon sa presidente at CEO ng Smart Communications Inc. na si Alfredo S. Panlilio, “We join the millions of UAAP fans who are eager to show their school pride as the league returns after a two-year, pandemic-enforced hiatus. While we can’t troop to the venues in full force just yet, we are glad to make watching the upcoming games easier than ever with the GigaPlay app. This is part of our commitment to give our customers what they want and continue to enable them to pursue their passions.”