• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy na kaya ang reunion project nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal?

Reunion project? Marvin Agustin-Jolina Magdangal, biyaheng Singapore

Tuloy na kaya ang reunion project nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal?

Reunion project? Marvin Agustin-Jolina Magdangal, biyaheng Singapore-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/05/2022 09:15 PM
Reunion project? Marvin Agustin-Jolina Magdangal, biyaheng Singapore
Photo credits: @mariajolina_ig on Instagram

Together again para sa isang tourism promotion ang ‘90s tandem nila Marvin Agustin at Jolina Magdangal na magkasama kamakailan sa Singapore.

Sa mga social media post ni Jolina sa kaniyang Instagram, makikita ang sabay na pagbiyahe ng former on-screen tandem papuntang Singapore.

Sa Instagram ni Jolina, makikita ang naging kulitan nila simula nang magkita sila sa airport Maynila pa lang.

Magkasama rin na nag-explore ng TikTok si Marvin na first time napasayaw muli ni Jolina.

Matatandaan na bago ang COVID-19 pandemic, isa sana sa mga naging plano ni Marvin at Jolina ay ang reunion project ng dalawa. 

READ: Balik tambalan ni Marvin at Jolina, hindi muna matutuloy

READ: Marvin-Jolina reunion movie tuloy na tuloy na

Taong 1999 nang huling nagpakilig si Marvin at Jolina sa pelikulang Hey Babe.

Umaasa naman ang maraming fans na muling ipagpatuloy ang naudlot nilang reunion project.