• Home
  • Fresh Scoops
  • JC Santos admits having a child saved his sanity during lockdown.

JC Santos says becoming a father saved him during lockdown

JC Santos admits having a child saved his sanity during lockdown.

JC Santos says becoming a father saved him during lockdown-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/05/2022 12:07 PM
JC Santos says becoming a father saved him during lockdown
Photo credit: @j.c.santos Instagram

January 2020 nang inamin ni JC Santos na he is  already a married man at magiging tatay na rin. Hindi gaanong nagbigay ng detalye noon si JC hanggang after a couple of months ay nag-post na rin si JC sa social media ng ibang kaganapan tungkol sa kanyang personal na buhay.

Life-changing na maituturing ni JC ang maging first-time daddy to his baby girl River Aletheia. Aminado rin ang aktor na sobrang ini-enjoy niya ito.

“Sinasabi nila before parang pag daddy ka na, mawawala na yung freedom and everything,  ako parang hiyang, eh,” pahayag ni JC sa ginanap na virtual mediacon ng Adarna Gang.


LOOK: JC Santos starts shooting new film ‘Adarna Gang’

Patuloy ni JC, “Na-enjoy ko siya nang sobra, nae-enjoy ko siya every day. At saka yung mga discoveries habang lumalaki yung baby mo, you see it every day tapos makikita mo yung nagiging personality niya at nakikita mo na magiging maayos itong tao and I like that.”

Bukod sa pagiging life changer para sa kanya si Baby River ay isa rin daw life saver din ang kanyang panganay. Ayon pa sa aktor, napaka-right timing ang pagdating sa kanya ni Baby River during the COVID-19 pandemic. Si River din daw ang dahilan kung bakit na-maintain niya ang kanyang sanity during the lockdown.

“Parang kumbaga, naging saver sa akin na may baby ako ngayon na pandemic kasi kung wala, baka mabaliw ako. Kasi ang hirap ng work ngayon, so parang mabuti nalang meron akong kausap at pinagkaka-abalahan sa bahay.

“Ang saya pa kasi ng baby ko. So, yeah, I enjoy it, yung fatherhood, so much. Pati yung challenges, it’s part of the job. Mahirap siya pero it’s fun. May instant progress naman, meron kaagad na parang reward every day. So, hiyang ako,” tuloy-tuloy na paliwanag ni JC na isa sa leading man ni Bela Padilla sa directorial debut movie niyang 366. Ang isa pang leading man ni Bela sa movie ay si Zanjoe Marudo.

WATCH: Bela Padilla, Zanjoe Marudo in heartbreaking '366' trailer

Last February 27 ay nag-celebrate ng kanyang second birthday si River. JC took to Instagram to give tribute to his daughter.

“Sa anak naming komedyante: River. 

“Alam namin na hindi ka pa mulat sa lahat ng mga nangyayari sa mundo ngayon. Nalampasan namin lahat ni Mommy ang hirap nitong nakaraang dalawang taon dahil andyan ka sa buhay namin. Sa bawat ngiti, tawa, sayaw, iyak, at lambing mo, anak, nailayo mo kami posibleng bigat ng pag-iisip. Binabalik mo kami lagi sa isang lugar na alam namin hindi kami mawawala… Ang ngayon.Ikaw na nasa harapan namin. Kapiling ka.”

Humingi rin ng paumanhin si JC sa kanyang anak para sa kanyang mga shortcomings as first-time parents.

“Pasensya na, anak, kung hindi pa kami ganun kagaling sa pag-aalaga sayo. Gaya mo, baby pa rin kamisa pagiging magulang. Bago din ang lahat ng mga nangyayari sa paligid namin. Pero lagi namin susubukan at hindi kami susuko. Pinapangako namin na sa mga susunod na taon ng buhay mo magiging okay din ang lahat. Matututo din kami. Alam mo kung bakit? Dahil ang sarap sarap mong alagaan.

“Mahal na mahal ka namin, Anak. Araw-araw natututo kami kung papano ka namin mamahalin at hindi iyon matutumbasan ng kahit ano.  

“Happy Birthday, Anak. Love,  Mommy and Daddy.”

Si JC ay ikinasal sa  kanyang high school crush na si Chef Shyleena Herrera noong September 2019. Binasted siya noon ng kanyang crush pero nung muli silang magkita ay after 15 years, hindi na niya ito pinakawalan.