• Home
  • Fresh Scoops
  • For Dimples Romana, getting healthy is goal for losing weight.

Dimples Romana talks about her weight loss secret

For Dimples Romana, getting healthy is goal for losing weight.

Dimples Romana talks about her weight loss secret-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/05/2022 07:22 PM
Dimples Romana talks about her weight loss secret
Photo credits: @dimplesromana on Instagram

Nasa Amerika pa noon si Dimples Romana nang makausap namin siya sa launch ng new endorsement niyafor Sante Barley Max.  Dito niya naikuwento ang dahilan nang dalawang linggong pananatili  niya sa US.

“As you can see ako po ay nasa Amerika ngayon. I had to finish a couple of different shoots even after the tapings of Viral Scandal which is still showing right now.  After that, I was arranging a lot of things dahil may college student na po akong anak,” lahad ng Kapamilya actress sa ginanap na digital conference ng Sante Barley Max.

Ayon pa kay Dimples, nag-enrol din siya at kumuha ng crash course sa marketing sa New York University pero ibinalik daw ito sa online class kaya di rin niya na-experience ang umatend ng face-to-face classes sa NYU.


“I’m taking classes in New York University online. I wanted to go sana face to face kaso they reverted back to online again.

“Ito yung talagang nakakatulong sa akin lalo na kapag may bago ako papasukin na business, sa endorsements ko gaya nito para makakatulong din ako sa kanila,” rason ni Dimples na bukod sa pagiging aktres ay isa ring entrepreneur.

READ: Dimples Romana is now a student of New York University

Proud ding ibinahagi ni Dimpes ang sikreto kung bakit nabawasan ang kanyang timbang at nananatiling younger looking kahit 37 years old na siya.

Aniya, “Pag tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin parang hindi ko naman nakikitang 37 na ako, in fairness naman. Hindi ko na lang din alam kung GGSS ba ako o tunay na hindi naman talaga ako mukhang 37. 

“Sa tingin ko. minsan nakakatulong din yung gandang-ganda ka sa sarili mo  para kahit papaano may confidence ka, but really, importanteng maging healthy talaga ako because I have children. I have a college student who will be going to Australia to become a pilot, si Callie. Siyempre, before you can take care of your family, of people around you, of the people that you care about, first you have to take care of yourself kasi paano mo naman sila maaalagaan kung hindi ka healthy.”

Hindi raw naman figure conscious si Dimples kaya lang naisip daw niya ang kahalagahan nito habang nagkakaedad siya.

“Ako po kasi talaga, to be honest,  I don’t care so much about the physical  because I really love my body whether I go thicker or thinner. Pag nanood ka ngayon ng TV or anong digital yan makikita mo sa iba-iba kung mgateleserye iba-iba rin yung katawan ko.

“May payat ako, may mas mataba ako, may maskulado ako and I don’t really mind because I actually repect what my body is going through at that moment. So kung meron siyang pinagdadaanang ganun nirerespeto ko yon and I’ve learned to love it talaga and really embrace it,” paliwanag ni Dimples.

LOOK: Anne Curtis, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Dimples Romana, and Bea Alonzo reunite

Balak sana noon ni  Dimples na magpahinga after niyag gawin ang Kadenang Ginto pero hindi naman siya pinayagan ng kanyang manager sa Star Magic.

“I said, after Kadena po magpapahinga muna ako. Napagalitan po ako ng manager ko… Kasi I was already on the verge of really feeling na pagod na pagod ako, and normal naman po kasi grabe din yung trinabaho ko.

“At saka every time na kapag nagtatrabaho ako whether saan man yan, malaki o maliit man ang exposure niyan I really give it my all. So ang problema, kapag masyado kang thin madali ka ring napapagod at ang napapagod sa atin kadalasan hindi lang katawan natin kundi pati isip natin, pati puso natin, pati kaluluwa natin pagod, di ba?

“Ngayon I found out na yon pala, I have to change little things in my daily routine. Don ko talaga naisip na try ko talagang baguhin paunti-unti kasi I’m not very fond of changing abruptly because natatakot ako to miscalculate my movements. Parang natatakot ako that every movement I make will have a big change on the life of so many people so I don’t want that of course – little changes lang. At kapag little changes yan tapos naging effective nakita mo nag-amount into something that was really… Alam mo do’n ako natuwa when then say, ‘Dimps, you lose weight but you look healthy.’ Don ako natuwa kasi di ba bihira yon that when you lose weight  they say you look healthy, di ba? Ang hirap kasing ikalkula no’n lalo ako  may cheekbone ako  so ang madali sa akin makita kung pumapayat ako sobra kasi lumulubog yung face ko.

READ: Dimples Romana gives a glimpse of daughter's place in Australia

“But for some reason this particular change of mine that I have started doing almost a year and a half ago really made me feel look healthy. Don ko yon sinimulan na nag-journal ako, ‘Ah eto pala yung nagwo-work sa akin, ito yung hindi.’ Kasi sometime we think everything lalo na when it comes to exercising akala natin yung exercise na ito nag-work do’n sa isang tao tapos yon din yung sa ‘yo. Ang dami kong mga kaibigan na tinry nila yung exercise na ganito nagkaroon sila ng mga back pains, na-strain yung katawan nila kasi yung katawan ng ibang tao hindi mo katawan.

“So ako talaga I listen to my body, I make sure that the little things that I change really amount it to the bigger change that I wanted to happen. So imbes na ma-burn out ako nagkaroon ako ng renewed… parang reenergized spirit na, ‘Ay, kaya ko pala yung gawin,’ kasi alam mo yung losing weight, yung extra unnecessary weight ko it was just a challenge to myself. Nakaka-empower pala yung ganun, that you feel and you look healthy and at the same time you didn’t even have to do something so expensive and extravagant,” pagbabahagi pa ng aktres nanakatakdang mag-taping para sa isang bagong teleserye sa ABS-CBN ngayong nakabalik na siya ng Pilipinas.