• Home
  • Fresh Scoops
  • Naniniwala si Nadine Lustre na maaaring makasira sa kalikasan at natural na ganda ng Siargao ang planong pagapatayo ng tulay.

Nadine Lustre, may apela tungkol sa planong pagpapatayo ng tulay sa Siargao

Naniniwala si Nadine Lustre na maaaring makasira sa kalikasan at natural na ganda ng Siargao ang planong pagapatayo ng tulay.

Nadine Lustre, may apela tungkol sa planong pagpapatayo ng tulay sa Siargao-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/04/2022 08:29 PM
Nadine Lustre, may apela tungkol sa planong pagpapatayo ng tulay sa Siargao
Photo credit to @nadine Instagram

May apela si Nadine Lustre tungkol sa planong pagpapatayo ng tulay sa Siargao na aniya’y maaaring makasira sa kalikasan na nakapalibot sa isla. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Ang nasabing proyekto ay ang Union-Malinao Bridge na nagkakahalaga ng 144 milyong piso.


Ani Nadine, nalulungkot siya sa desisyong magtayo ng tulay na maaaring makasira sa isa sa pinakapayapang lugar sa isla ng Siargao. 

“Secret Beach is def one of the most peaceful spots in the island. It makes me so sad to know that people are planning to build a bridge that will totally destroy the area,” saad ni Nadine. 

READ: Nadine Lustre calls for help for Siargao island following the onslaught of typhoon Odette

Saad pa ng Kapamilya star, marami ang maaapektuhan sa nasabing protected area gaya ng mga bakawan. 

“It will also destroy the mangroves, sea grass … disrupting the natural habitat of ther species living in this protected area,” ani Nadine. 

Maliban dito, maaapektuhan din umano ang mga taong naninirahan dito at maaaring maging dahilan nang pagkawala ng trabaho ng mga ito. 

“Home of locals will be destroyed and jobs will be lost as a result of this bridge,” aniya. 

Dagdag pa ni Nadine, hindi pa nakakarekober ang Siargao sa dinanas nito mula sa hagupit ng bagyong Odette na nanalasa Disyembre noong nakaraang taon. 

Kaya naman umaasa siyang mas pagtuunan muna ang rehabilitasyon at pagsasaaayos ng mga nasira at tulungan ang mga naapektuhan kaysa sa pagpapatayo ng tulay. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

“The island hasn’t completely recovered from Typhoon Odette. People are starving, homeless and dealing with trauma every day. I wish this was more prioritized than anything else,” ani Nadine. 

Apela nito, i-preserba ang natural na kagandahan ng Malinao. 

“People fall in love with Siargao because of its raw, natural beauty and its community. Malinao is already beautiful as it is. Secret Beach should be preserved,” aniya. 

READ: Nadine Lustre helps distribute relief goods, install solar panels in Siargao

Dagdag pa niya: “Improvement isn’t always about pouring concrete. If we’re all respectful and protective towards the environment, our lives including every other living thing that co-exists with us will improve greatly.”