• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban talks about her journey as an expectant mother.

Angelica Panganiban on her pregnancy: ‘Napakatagal kong hinintay ito’

Angelica Panganiban talks about her journey as an expectant mother.

Angelica Panganiban on her pregnancy: ‘Napakatagal kong hinintay ito’-Toff C.
BY
Toff C.

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/31/2022 09:07 AM
Angelica Panganiban on her pregnancy: ‘Napakatagal kong hinintay ito’
Photo credit to @iamangelicap Instagram

"Napakatagal kong hinintay ito." 

These were the words of Angelica Panganiban as she talked about becoming a mother soon. 

In an interview with Star Magic Inside News, the actress shared that she discovered that she was pregnant while she was at work.


"Nalaman ko siya sa hindi namin ini-expect na pagkakataon. Nalaman ko siya sa trabaho. Mag-i-start na ako ng lock-in para sa My Papa Pi, kasama si Papa Pi (Piolo Pascual). And then delayed lang talaga 'yung period ko. So kailangan ko lang talaga mag-rule out, hindi na ako mapakali. Ayon kay Google 'yun na lang ang hindi ko chini-check. So sa isip-isip ko naman parang imposible kasi we've been trying kaya lang lagi namang negative 'yung result. So parang ayaw ko na ma-heartbroken. So parang 'hindi feeling ko darating 'yung period ko. 

Asked what she did first when she found out that she is pregnant, Angelica relayed, "Siyempre tinawagan ko 'yung doctor and 'yung Star Magic na anong gagawin ko, nasa trabaho ako, nagpapanic ako."

Angelica expressed her gratitude to the management for allowing her to exit the show upon learning about her pregnancy.

"Sobrang thankful ko dahil hindi nila ako pinahirapan, walang pagpilit na mag-stay pa ako, i-try ko, tapusin ko 'yung isang season. Wala, walang ganoon. Talagang inintindi nila ako. Open arms nilang tinanggap 'yung good news. Lahat sila tumawag, lahat sila nag-text nagko-congratulate sila, sobrang supportive nila," she stated. 

Angelica shared that she and her partner Gregg Homan  became emotional when she revealed that they are expecting their first child.

"Pagkasabi kong nag-test ako, nag-pregnancy test ako, positive ako, hindi na kami nagkaintindihan, nag-iyakan na kaming dalawa, as in iyak kami ng iyak. Tapos pinapaulit niya sa akin 'yung test. Sabi niya 'ulitin mo ulitin mo.' Sabi ko 'hindi ito parang COVID na may false positive. Kapag nag-positive ka, positive ka na.' So siya 'yung nagpa-panic kasi ang layo ko. Nasa Subic siya, nasa Antipolo ako so parang gusto niya akong puntahan. 'Di pwede naka-bubble ako, naka-RT-PCR kami lahat dito, mahirap. Talagang ang hirap ng mga unang oras namin. So parang gusto kong tumakas, gusto ko talaga umalis. Gusto mo yakapin ang person na 'yon, pero wait, hintayin natin,"  she relayed.

The Kapamilya star also got candid about her experience with the first three months of her pregnancy. 

"Medyo mahirap siya dahil 'di ko talaga naiintindihan nangyayari sa katawan ko. Suka, iiyak, tatawa, mainit ang ulo. Para akong kinikiliti. Konting bagay na makita ko, pinagtatawanan ko ang babaw-babaw ng lahat. Lahat naamoy mo, totoo pala 'yon. Lahat naririnig mo, kaunting galaw, ramdam mo," she said. 

Despite the changes in her body, Angelica remarked that she is just enjoying the journey. 

"Well, ini-enjoy ko talaga dahil ang tagal ko itong hinintay. Lahat ng mga kaibigan ko kapag may nabubuntis, ako 'yung mahilig mag-interview kung ano ang pakiramdam ganyan. Tapos naa-amaze lang ako sa pagiging babae, parang 'wow ang galing, mararamdaman ko kaya yan?' So nung dumating siya parang kahit mahirap ang pagsusuka, ini-enjoy ko lang. 'Ah ganoon pala yon, ah totoo pala, akala niyo kayo lang ha,'" she said.

READ: Angelica Panganiban shows off baby bump

Is she stepping away from show business and focusing on being a full-time mom soon? 

"Siguro ngayon parang wala naman na akong kailangan pang i-prove na kailangan ko pa ring mag-work di ba? Pero siyempre kung may darating in the future [na work] matagal na matagal pa 'yon doon lang siguro talaga. Pero napakatagal kong hinintay ito. At wala naman akong pinangaarap kung hindi maging isang ina. So ngayong dumating na siya, ito na ang role na gusto kong gampanan. 'Yun naman muna siguro ang gagawin ko."

She added, "I'm sure naiintindihan ako ng mga boss, sobrang supportive nila sa akin. Napaka-suwerte ko na dumating siya sa tamang tao, sa tamang timing, tamang mga tao ang mga nasa paligid ko para intindihin at suportahan ako sa maganda, bagong journey at bagong chapter ng buhay ko."