• Home
  • Fresh Scoops
  • Babalik pa din si Bela Padilla sa London pakatapos ng kanyang mga commitment sa susunod na buwan.

Bela Padilla, babalik sa Pilipinas para sa i-promote ang directorial debut niya na ‘366’

Babalik pa din si Bela Padilla sa London pakatapos ng kanyang mga commitment sa susunod na buwan.

Bela Padilla, babalik sa Pilipinas para sa i-promote ang directorial debut niya na ‘366’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/03/2022 06:12 PM
Bela Padilla, babalik sa Pilipinas para sa i-promote ang directorial debut niya na ‘366’
Photo credit to @bela Instagram

London-based na ngayon ang aktres na si Bela Padilla. Pero babalik naman daw siya ng Pilipinas sa Abril para  i-promote ang pelikulang 366 na directorial debut niya kung saan siya rin ang bida at nagsulat ng script.

Pinagbibidahan nila nina Zanjoe Marudo at JC Santos ang nasabing pelikula.

Sa solo digital presscon ni Bela para sa 366 ay ibinahagi ng aktres na masaya siya dahil magaganda ang pasok ng taong 2022 sa kanya.


“I think this year, the universe really conspired for me to be happy and to be complete as a person. So, I was able to achieve so many firsts in my life. Aside from 366, which is my directorial debut and first film na I guess talagang ang feeling ko I created,” masayang pahayag ni Bela.

READ: Bela Padilla reveals Liza Soberano was her first choice to star in her directorial debut ‘366’

Dugtong ng aktres, “I was able to move to London, start a life here. I was able to figure out things I want for myself in the next few years, and I think malaking blessing siya kasi nagawa ko siya during the pandemic so I’m very thankful.”

Pagkatapos ng commitments ni Bela sa Abril sa Pinas ay babalik din daw ito agad sa London.

“Babalik ako ng April to promote 366 with Zanjoe Marudo and JC Santos. Pero for now, this is my home base, so babalik din ako dito (London) after April,” sabi pa niya.

Habang nasa bansa sa Abril ay tatapusin din ni Bela ang syuting ng isang pelikula kasama si Marco Gumabao na nahinto noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Aniya, “Kailangan ko mag-continue ng shoot ng Spellbound pag-uwi ko ng Pilipinas kasi naiwan namin siya. Naabutan kami ng pandemic nung nagsu-shoot kami ni Marco. I will do that in Manila in April.”

When asked kung kumusta naman ang pamumuhay ni Bela sa London ay inamin niya na kumportable naman siya kahit mag-isa  lang siyang namumuhay sa UK.

“I would say life is good at the moment. I’m enjoying London. I’m having fun here. Medyo back to basics po ako ngayon.

“Siyempre, wala akong kasama. Nawala lahat ng mga bagay na nagpapakomportable sa buhay ko sa Pilipinas, like wala akong kotse dito. Hindi ako marunong mag-drive sa right side ng kotse, so ayoko siyang subukan.

“Wala yung driver ko dito, wala yung assistant ko. So, back to basics po ako ngayon. Lahat ako muna ang gumagawa and I’m enjoying it. I have always been quite independent but I think this complete aloneness is new to me, but I’m liking it,” kuwento ng Kapamilya aktres.

READ: Bela Padilla, Zanjoe Marudo in heartbreaking '366' trailer

Masaya ring ibinahagi ni Bela na very supportive sa kanya ang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay. In fact, sinamahan pa raw siya nito nung magsyuting siya sa Turkey at special participation din daw sa movie ang kanyang dyowa.

“Sinamahan niya akong maghanap ng location and nung shoot po namin mismo, fun fact, hindi po lumabas yung passport ni JC in time for our shoot.

“May tickets na kami, ready na lahat. Nakagayak na lahat. Dapat kaming dalawa lang ni JC ang lilipad kasi yung buong crew for Turkey shoot were Turkish, so walanang sumama sa akin from Manila.

“Lahat ng likod shots ni JC sa Turkey ay pinatayo ko po si Norman or kung sinuman ang ka-height ni JC na nandoon at that time. May eksena sa 366 na likod ni Norman yung nakunan po namin. Magka-height sila at parehong kulot (buhok). Very happy po ako kasi hindi siya nagpabayad ng talent fee. Pro bono po yung cameo niya sa 366,” papagbibida pa ng 366 director na mapapanood sa Vivamax on April 22.