• Home
  • Fresh Scoops
  • Suportado ng ama ni Ana Jalandoni ang inaasam na hustisya ng kaniyang anak.

Ama ni Ana Jalandoni, dismayado kay Kit Thompson

Suportado ng ama ni Ana Jalandoni ang inaasam na hustisya ng kaniyang anak.

Ama ni Ana Jalandoni, dismayado kay Kit Thompson-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/29/2022 04:18 PM
Ama ni Ana Jalandoni, dismayado kay Kit Thompson

Labis na pagkadismaya ang nararamdaman ng ama ng sexy actress na si Ana Jalandoni na si Lawrence Jalandoni.

Nitong nagdaang Lunes, March 28, kasama sa naganap na press conference ang ama ni Ana para suportahan ang laban ng kaniyang anak na umano ay biktima ng pang-bubugbog ng aktor na si Kit Thompson.

READ: Ana Jalandoni, tuloy ang kaso laban kay Kit Thompson: ‘Hindi ko deserve ang nangyari’


“Hindi ko inasahan na mangyayari ‘yung ganyan,” bungad ng ama ni Ana sa media.

Para sa ama ni Ana, nakita niya sa maikling panahon na pagsasama nina Kit at Ana ang pagmamahal ng anak sa nobyo nito.

“Kilalang kilala ko ang anak ko eh. Although four months pa lang sila, kitang-kita ko ‘yung pagmamahal ng anak ko sa kanya. Pinakita niya kung gaano niya ka-mahal.”

Kaya naman, bilang isang ama hindi aniya lubos maisip na sasapitin ng anak ang pang-abuso sa kamay pa mismo ng Lala king minahal nito.

“Pero ‘yung dumating ang ganyang sitwasyon, hindi ko maisip na ganyan pala niya susuklian ang anak ko. Halos mamatay na e,” galit na sambit ng ama ni Ana.

Inamin ng ama ni Ana na labis na nadurog ang kaniyang damdamin sa sinapit ng anak nang makita niya ito na lumalaban sa kaniyang buhay matapos ang umano’y pang-aabuso sa kamay ng aktor.

“Siguro naman hindi naman lingid sa inyong lahat na lahat tayo, mga magulang din tayo, alam natin kung gaano kasakit pag nasasaktan ang mga anak natin lalu pa at ganyan ang inabot,” ani ama ni Ana.

Sa huli, isa lamang rin ang sinigurado ng ama ni Ana sa haharapin na laban ng kaniyang anak.

“Kaya itong pagharap namin sa inyo, talagang ilalaban namin ‘yan hanggang matapos iyan para mapatunayan namin na kung ano ang para sa anak ko na katarungan na hinahangad namin.”

Sa ngayon, desidido ang kampo ng mga Jalandoni kasama ang legal team ni Ana sa pangunguna ni Attorney Faye Singson na sampahan ng patong-patong na kaso si Kit.