• Home
  • Fresh Scoops
  • Ini-enjoy na lang ni AJ Raval ang mga kinasasangkutang kontrobersiya.

AJ Raval sa mga eskandalong tungkol sa kanya: ‘Wala na rin po akong masyadong pakialam’

Ini-enjoy na lang ni AJ Raval ang mga kinasasangkutang kontrobersiya.

AJ Raval sa mga eskandalong tungkol sa kanya: ‘Wala na rin po akong masyadong pakialam’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/28/2022 04:18 PM
AJ Raval sa mga eskandalong tungkol sa kanya: ‘Wala na rin po akong masyadong pakialam’
Photo credit to @ajravsss Instagram

Naninindigan ang sexy star na si AJ Raval na wala siyang sex video scandal na katulad ng ibang showbiz personalities. Ang meron lang daw siya ay ang mga nakakaeskandalong isyu na may kaugnayan sa kanyang love life. 

Si AJ ang girlfriend ng aktor na si Aljur Abrenica na kahihiwalay lang sa asawang si Kylie Padilla. Inakusahang third party noon si AJ, pero kaagad din naman niyang nilinaw ang tungkol dito. 

“Hindi ko pa nararanasang magkaroon ng scandal na sex video. Pero naeskandalo na rin po ako sa mga issue before at, well, para sa akin, f*ck them all!


“Wala na rin po akong masyadong pakialam. Wala rin po akong feelings,” matigas na pahayag ng dalaga sa ginanap na virtual mediacon ng Vivamax original series na Iskandalo.

READ: Aljur Abrenica at AJ Raval, hindi umano nanatili sa hotel; dumalo lang sa isang event sa probinsya

Aminado rin si AJ na ini-enjoy na lang niya ang mga kinasasangkutang kontrobersiya dahil para sa kanya ay gauge ito ng kasikatan. Kunsabagay, hindi ka naman talaga pag-uusapan kung hindi ka sikat, huh!

Ani AJ, “Honestly, parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu, kasi that means may kinapupuntahan yung career ko. So, may part sa akin na pinagtatawanan ko sila dahil sa mga eskandalo na binubuo nila. Yon lang ang masasabi ko, parang nae-enjoy ko rin po siya,” katwiran pa niya.

Social media celebrity na may kumalat na sex scandal ang karakter na ginagampanan ni AJ sa 10-part original series ng Viva.

Samantala, hinihintay ng netizens ang pangako noon ni AJ na kapag naging official na ang relasyon nila ni Aljur ay aaminin niya ang tungkol dito. Pero hanggang ngayon kahit kinumpirma na ng kanyang amang si Jeric Raval na in a relationship na sila ni Aljur ay wala pa ring shout out tungkol dito ang sexy star.

“Sobrang cool lang namin ni Aljur, masaya kami sa mga situation namin. May mga priorities at problema na dapat unahin. Huwag ka mag-alala, pag official na, updated ka,” sabi noon ni AJ sa post ng isang follower.

READ: Jeric Raval confirms daughter AJ Raval and Aljur Abrenica are now in a relationship

Idiniin din ni AJ na wala siyang pakialam sa kung anumang sasabihin ng ibang tao pagdatng sa personal niyang desisyon lalo na kung ito’y may kaugnayan sa buhay pag-ibig.

Lahad niya, “Hindi naman importante sa akin ang opinyon ng ibang tao. Ang importante, ang opinyon ng malapit na tao sa akin.”

Sana rin daw ay makita ng mga tao na isang mabuting tao si Aljur.

“Sana makita niyo si Aljur kung paano ko siya nakikita. Napakabuti ng puso ng taong yon, kung paano niya mahalin yung anak niya, yung pamilya niya, kung paano siya tumingin sa mga tao—pantay-pantay,” ang pagtatanggol ng dalaga sa aktor.

Ang Iskandalo ay mapapanood sa Vivamax simula sa April 10, 2022. Kasama rin sa series sina Ayanna Misola, Angela Morena, Sean de Guzman, Cindy Miranda, Francis Magundayao, at Jay Manalo.