• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Rita Gaviola o mas kilala sa bansag na ‘Badjao Girl’, na mayroon nang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon.

Rita Gaviola, inaming may nagpapasaya na sa kanyang puso

Inamin ni Rita Gaviola o mas kilala sa bansag na ‘Badjao Girl’, na mayroon nang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon.

Rita Gaviola, inaming may nagpapasaya na sa kanyang puso-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/27/2022 11:26 AM
Rita Gaviola, inaming may nagpapasaya na sa kanyang puso
Photo credit: @itsritagaviola Instagram

Inamin ni Rita Gaviola o mas kilala sa bansag na "Badjao Girl", na mayroon nang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon.

Tipid man ang kanyang mga naging sagot, hindi itinanggi ni Rita na masaya ang kanyang puso nang tanungin tungkol sa estado ng kanyang love life sa panayam sa PUSH Bets Live.

"Opo, non-showbiz," aniya. "[Hindi po siya taga-sa amin], malayo. Taga-Manila."

Nang tanungin kung kaklase ba niya ang kanyang tinutukoy, mabilis na sagot ni Rita: "Hindi po. Na-meet lang. Friend, friend." 

Samantala, bukod sa kanyang love life ay nagkwento rin si Rita tungkol sa kanyang nakakagulat na pagsali sa "Sexy Babe" segment ng It's Showtime noong Pebrero.

"Para sa akin sobrang saya kasi naka-experience ako ng ganung bagay. Kasi hindi naman ako totally sumasali sa mga pageant tsaka hindi naman ako nagsusuot ng mga swimsuit. Para sa akin, sobrang ganda lalo na sa mga katulad ko na nahihiya, walang confidence... Sobrang excited lalo na kapag family mo na 'yung nakakakita sa 'yo," aniya.

Pagbabahagi pa ni Rita, noong una ay hindi umano niya sinabi sa kanyang pamilya na may balak siyang sumali sa "Sexy Babe" dahil sa takot na baka hindi siya makapasok. 

"Pero nagulat sila, bakit 'di ko sinabi. Sabi ko para ma-excite naman kayo," sabi niya.

Nang tanungin kung ano ang nag-udyok sa kanya para sumali sa kumpetisyon, sagot ni Rita: "Ginusto ko 'yun kasi baka ito na 'yung way para mas lalong madadagdagan 'yung confidence ko sa sarili ko, and para 'pag sumabak ako sa mga pageants, alam ko na 'yung mangyayari. Kung hanggang saan 'yung kaya ko at kung ano 'yung mga kahinaan ko. Ayun po."

Matatandaang unang nakilala si Rita nang mag-viral ang kanyang retrato na nanlilimos kasama ang kanyang kapatid sa kasagsagan ng Pahiyas Festival noong 2016. 

Matapos nito ay pumasok si Rita sa pamosong Bahay Ni Kuya bilang isa sa teen housemates ng reality show na Pinoy Big Brother: Lucky 7. Binansagan siya bilang ang "Badjao Girl ng Lucena."

TINGNAN: Badjao Girl, nais sumali sa Miss Universe

Sa huli ay nagbigay si Rita ng kanyang mensahe para sa mga taong patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kanya.

"Sa lahat po ng sumusuporta sa akin, maraming maraming salamat po sa walang sawang suporta at pagmamahal. Kahit medyo nawawala na po ako, andyan pa rin kayo para tulungan ako," aniya.

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.