• Home
  • Fresh Scoops
  • Babalikan ni Billy Crawford ang kanyang international singing career ngayong taon.

Billy Crawford, nagpapasalamat na kuripot ang asawang si Coleen Garcia

Babalikan ni Billy Crawford ang kanyang international singing career ngayong taon.

Billy Crawford, nagpapasalamat na kuripot ang asawang si Coleen Garcia-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/27/2022 11:41 AM
Billy Crawford, nagpapasalamat na kuripot ang asawang si Coleen Garcia
Photo credit: @billycrawford Instagram

Ipinagpapasalamat ni Billy Crawford na kuripot ang napangasawa niyang si Coleen Garcia. Napakalaking tulong daw ng kanyang misis para maging maayos ang budget ng kanilang pamilya.

“Ang mga lalaki hindi puwede pagkatiwalaan sa mga pera!” pagsisiwalat ni Billy sa isang interview.

Aminado rin ang singer-host na isa siyang impulsive buyer pero nakokontrol daw ito ni Coleen simula nung ikasal sila.


“Mahilig ako sa toys. I’m an impulsive person, kaya pasalamat ako sa Diyos, kuripot ang asawa ko,” saad pa niya.

“Siya talaga yung, alam mo yung, ‘Psst! Huwag mong bilhin yan. Bakit mo bibilhin yan? Kailangan natin pang ganito para kay Amari (anak nila),’” na sinasang-ayunan naman daw niya at sinasabing, “‘Tama ka, love!’”

“You need that balance in your life, eh. And Coleen does that for me. She budgets things very, very well. Si Coleen, hindi naman siya ma-brand na tao, hindi siya ano, she’s a very simple simple woman pero, may class at may taste,” pahayag nii Billy.

LOOK: Coleen Garcia, Billy Crawford throw jungle-themed party for son Amari

Ayon pa kay Billy, hindi naman daw nila pinag-aawayan ang pagiging kuripot ni Coleen.

“Ako talaga, simula nung bata pa lang ako, to be honest, I think money is evil. Money is so evil na gusto ng mga tao na magpatayan dahil sa pera. And the only way to survive is to have money.

“Ayokong pananaw yan. Hindi ko ina-idol ang pera. Ang Diyos ang iniidolo ko. At darating at darating ang pera, as long as you work hard for it. Yon lang,” katwiran niya.

Samantala, kasama sa mga plano ni Billy ngayong back to normal na ang lahat ay bumalik sa music para i-revive ang kanyang international singing career.

Balita ni Billy, “July to August, I’ll be back sa France. I’ll be there for a good month and a half to do a tour again. So, I’m trying to reach and penetrate as much as there is to penetrate. It’s a start of a new beginning for everyone.”

LOOK: Coleen Garcia shares nursing photo with son Amari

Nabanggit ni Billy ang tungkol sa pagre-revive ng kanyang singing career sa ginanap na launching ng Pinoy pop group na Calista held at the Novotel. Nakasama niyang mag-perform ang grupo na binubuo ng six talented female members at napabilib siya sa husay ng mga ito kung paano mag-perform sa stage.

 “They have every quality to be the best they can be,” papuri niya sa grupo.

Dugtong ng dating child star, “They’re in the right hands. They have great management. They have great support from great producers and songwriters. And ang pinakaimportante, humble sila.

“Yon ang importante, they have to be humble to make it in this game. Huwag silang magtataray at magdi-diva-diva, kababata-bata lang nila. They have to work hard, prove to everyone that they are great performers, and they just did. And they will continue to do so.”