• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrity mom Neri Naig Miranda shares her best mommy tips and her experience having a baby during the pandemic.

Neri Naig Miranda reveals her secret to being a happy mom and wife: ‘Meron akong day off’

Celebrity mom Neri Naig Miranda shares her best mommy tips and her experience having a baby during the pandemic.

Neri Naig Miranda reveals her secret to being a happy mom and wife: ‘Meron akong day off’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

03/26/2022 08:22 AM
Neri Naig Miranda reveals her secret to being a happy mom and wife: ‘Meron akong day off’
Photo credit: @mrsnerimiranda and @chitomirandajr Instagram

After becoming a mommy for the second time last year, Neri Naig Miranda admitted the pregnancy was a bit more difficult this time.

“Siguro mas gamay na natin, mas alam na natin kapag hindi na first pero all day sickness kasi ako kay Cash (her second son). Talagang duwal. Yung may kakainin ka tapos naduduwal ka tapos mag-tu-toothbrush ka so iba din kasi may hinahanap din, gusto niya white toothpaste lang. Kung hindi, duwal at nakaharap na lang ako sa sink or sa inudoro. Tapos nahirapan ako kay Cash sa pagbubuntis kasi yung paglilihi ko kay Cash, hindi ko alam na buntis na pala ako nun. Ang dami kong lemon na pinapapak,” she shared during Babyflo’s #SayaNgAlagangBabyflo onlilne launch event.

READ: Neri Miranda has no regrets on marrying husband Chito Miranda: ‘Salamat Lord ang suwerte ko!’


Being pregnant and giving birth during the height of the pandemic was also a big challenge for Neri.

“Of course dahil pandemya, hirap tayo na praning pa. Lalo na si Chito (her husband) sobrang praning yan. Tipong bawal magbakasyon. Wala kaming bisita. If ever pupunta dito yung in-laws ko, RT-PCR talaga lahat. Pati kami, sisipunin lang siya magpapa-RT-PCR na. Sabi ko grabe ang mahal, sabi niya, ‘Hindi, kailangan ito.’ Kasi hindi pa ako bakunado nung time na yun so nabakunahan lang ako nung third trimester ko. And then two weeks before ako hiwain kasi CS ako dahil kay Miggy (her first son) emergency CS ako dahil ang lalaki din nila so hindi din talaga mailalabas. Dalawang litro na daw ng dugo na yung nawawala sa akin so kailangan na talagang kunin. Pero nung nanganak ako ang bilis ah. Parang drive-thru na lang sa dali (laughs). Kaya sabi ko, ‘Baby parang padali ng padali ah.’ Sabi niya, ‘Hindi na!’ Kasi gusto na daw niya ako ma-solo. Gusto niya makapag-travel travel kami, ganyan,” she recalled.

READ: Neri Miranda reveals secret to her ‘Road to 55 Kilos’ journey

Neri said she was happy to still be able to let her children enjoy the outdoors last year because they are based in Tagaytay City.

“Siguro dahil nasa probinsya kami and meron kaming farm and kung anu-ano ding mga nabibili namin, hindi sila nahirapan talaga. Nakapagpundar kami kahit papaano dahil nga madiskarte tayong mga nanay, nakakagala gala kami. So buti hindi sila naghahanap ng mall, yung mga ganyan. Nakakaiwas din sila sa mga gadgets. May gadgets sila kapag may school pero pagkatapos niyan, kung gusto nilang mag-swimming  sa dagat or sa farm magtatatakbo takbo sila, okay naman. Nagagala namin yan. So sabi ni Chito buti na lang talaga nakapag-invest ng ganun, kasi dati kontra siya kasi siya si tiga-compute, ako yung pikit mata sige go! (laughs) So ngayon isa siya sa nag-e-enjoy sa katas ng mga pinaghirapan,” she said. 

READ: Neri Naig Miranda buys a condo unit for her five-year-old son Miggy: ‘Eto ang una niyang investment’

During the Babyflo event, Neri also shared her tips on how to become a smart mom. 

“May checklist ako eh. Namamalengke talaga ako so pag pupunta ako sa palengke at wala akong checklist kung anu-ano mabibili ko. Yun pala hindi pala yun yung i-u-ulam. Ang ginagawa namin ni Chito kasi gusto ko siyang kasama pag nag-go-grocery, date na namin yun. Hawak hawak, kuwento kuwento, ganyan. Landian sa grocery (laughs). Wala ng time kasi pag dito sa bahay nakasiksik yung mga bata di ba tapos si Miggy gusto niya makipaglaro habul-habulan. So may checklist ako kasi pag wala talaga kung anu-ano mabibili mo and hindi kami gutom dapat pag bumibili pag nasa grocery kasi lahat gusto mo, lahat masarap for us pag ganun. So madiskarte or wais tips yun na date na rin pero nandudun na rin kayo sa mga errands ninyo.

“Speaking of checklist, may calendar ako kung anong gagawin ko today at mga priorities na naka-set na yan like top five para tapos na. Kasi pag wala ako nun, sa dami ng ating ginagawa mga mommies, maaalala pa ba natin yun? Meron akong notebook kasi dapat isusulat ko kasi makakalimutan ko siya. Madami ng naiturok sa atin kaya nagiging mas makakalimutin tayo,” she shared.

The celebrity mom and entrepreneur also revealed that her secret to keeping balance in her life is also giving herself some much-needed me time.

“Meron akong day off. Minsan once a month or twice a month may day off ako. Hinihingi ko yan and nakakatuwa na nag-se-step up si Chito. Kumbaga kung pagod na pagod ka na, maririnig ko, ‘Oh huwag niyong gigisingin si mommy.’ Yung bathtub nga namin dito once a month or minsan hindi ko pa nagagamit pero kapag sinasabi ko na mag-de-day off ako, maliligo lang ako. 20 minutes lang diyan tapos of course mag-bu-bubble bath ako. So nakakatuwa yung mga dads at husbands natin na ina-acknowledge nila yung ginagawa natin bilang mommies,” she added.