• Home
  • Fresh Scoops
  • Idinetalye din ni Direk Joel Lamangan kung paano nila kinukuhanan ang mga sexy scenes.

Joel Lamangan, ipinaliwanag kung bakit hindi huminto sa paggawa ng pelikula sa gitna ng pandemya

Idinetalye din ni Direk Joel Lamangan kung paano nila kinukuhanan ang mga sexy scenes.

Joel Lamangan, ipinaliwanag kung bakit hindi huminto sa paggawa ng pelikula sa gitna ng pandemya -Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/26/2022 07:03 PM
Joel Lamangan, ipinaliwanag kung bakit hindi huminto sa paggawa ng pelikula sa gitna ng pandemya

Dalawang taon na ang nakakaraan mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic lockdown noong March 16, 2020 pero hindi huminto sa paggawa ng pelikula ang premyadong direktor na si Joel Lamangan. Sa loob ng naturang dalawang taon ay more than a dozen movies na rin ang nagawa ni Direk Joel. 

Ayon sa direktor ng Biyak (3:16 Media Network) na kasalukuyan niyang tinatapos gawin at ng Island of Desire ng Viva Films na streaming sa April sa Vivamax, isa sa itinuturing niya na pinakamagandang nangyari sa buhay niya nitong pandemic ay ang maging matapang sa pagharap sa health crisis habang gumagawa ng mga pelikula. 

Ang pinakamagandang nangyari sa akin ay naging matapang ako. Hindi ko inalintana na baka magkasakit ako. Tinapangan ko dahil maraming taong nangailangan ng hanapbuhay lalo na sa industriyang kinabibilangan ko. Kami ay nag-usap-usap na tapangan lang ang aming sarili at mag-ingat at gawin lahat ng protocol,” simulang pahayag ni Direk Joel sa amin. 


Ang kauna-unahang pelikula na ginawa ko ay ang Lockdown. Talagang naglakas-loob kami para magawa ang pelikula kahit na may COVID para lang hindi makaranas ng gutom ang maraming tao at napatunayan naman namin na wala namang nagkasakit sa amin, eh.  Sa lahat ng mga ginawa kong pelikula wala namang tinamaan ng COVID in the process of doing the movie. Ang kailangan lang talagang sundin nang masugid ang protocol,” paliwanag ni Direk Joel. 

“Dahil walang gumagawa ng pelikula maraming walang pera. Ang daming taong lumalapit sa akin humihingi ng pera, nangungutang dahil wala na silang panggastos sa kani-kanilang buhay. Kaya sinabi ko, pag itinigil ko ito (paggawa ng pelikula) lalo silang dadami kaya dinire-diretso ko para makatulong sa mga taong nangangailangan din. Pero sa awa naan ng Diyos wala namang nagkasakit sa lahat ng tao – crew and stars – ng COVID,” patuloy niyang pahayag. 

Read:Christine Bermas, nag-react sa isyung kinasangkutan ng dating niyang co-star na si Kit Thompson

Bida sa pelikulang Biyak ni Direk Joel sina Quinn Carillo, Albie Casino, Angelica Cervantes, at Vance Larena. Ang Island of Desire naman ay pinagbibidahan nina Christine Bermas, Jela Cuenca, Rash Flores at Sean de Guzman. 

So far, wala raw namang nagiging problema si Direk Joel sa mga baguhang artistang nakakatrabaho niya ngayon. 

Lahat sila aktor, lahat sila professional alam nila ang ginagawa nila.  Kapag hindi ka professional, hindi mo alam ang ginagawa mo, hindi ka handa. Lahat sila handa at willing silang makinig sa instruction na nanggagaling sa direktor at ini-execute nila ng tama dahil mga intelligent actors ang mga yan,” aniya. 

Read:EXCLUSIVE: Allen Dizon unleashes his evil side in Joel Lamangan’s new film ‘Walker’

May challenge pa ba sa kanya ang gumawa ng mga sexy scenes ngayon considering na napakarami na niyang parangal na natanggap bilang best director? Paano niya naipalalabas sa manonood na hindi nababastos ang mga artista niya lalo na kapag nagpapakita ng skin? 

Tugon ng direktor, “Ang pinakamahirap gawin talaga ay yung tinatawag na intimate scenes na magpapakita ng mga skin. Sa akin yan ang pinakamahirap dahil sa dami ng pinaggagagawa kong mga ganyan kailangan malampasan ko na ang mga nauna kong nagawa

Iisipin ko kung paano ito magiging exciting na hindi maiinsulto ang sensibility ng mga manonood at hindi magmumukhang bastos ang mga manonood nito, yon ang pinaka-challenging sa akin sa lahat.” 

Eh, what if may mga artista siyang natatangay sa mga intimate scenes na ginagawa at hindi naiiwasang mag-react ang kanilang private part or ma-arouse especially sa mga lalaki? 

Wala pa akong nakikitang physically aroused yung gumagawa ng eksena. Wala pa akong nakitang ganu’n sa tagal ko na at marami na akong ginawang ganitong uri ng eksena. Wala akong naranasang ganu’n,” kuwento ng direktor. 

Read: EXCLUSIVE: Director Joel Lamangan sees huge acting potential in newbie sexy star Cloe Barreto in the film ‘Silab’

Dugtong niya, “Kung makakita ako ng ganun sasabihan ko siya, ‘Hoy, maraming taong nakakakita sa ‘yo! Hindi pwedeng ganyan. Ito’y sine lang, ito’y shooting lang. Hindi ito totohanang bagay, Hindi mo pupuwedeng gawin yan.’ Sasabihan ko siya

Hindi uubra sa akin yung ganun. Dapat hindi ginagawa yon!  Bakit mo gagawin yan, porno ba itong ginagawa natin? Hindi naman ah! Mali yon!” 

May patakaran din daw na dapat sundin sa paggawa ng mga intimate scenes para maprotektahan ang mga artista. 

May etiquette na tinatawag o sinusundan sa paggawa ng pelikula. Kapag ito’y ginagawa bilang pelikula huwag mong totohanin yung tinatawag na romansahan sa loob ng eksena.  Hindi dapat totohanin. Halimbawa, nagma-make love kayo, hindi dapat totohanin ang gagawin dahil kawawa kawawa rin naman yung lalaki. Mali yon!” paliwanag ng beteranong direktor. 

Dagdag pa ni Direk Joel, as much as possible ay nire-require din niya na magsuot ng plaster ang mga artistang involves sa naturang eksena para na rin sa kani-kanilang proteksyon.