• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang teaser video ng kaniyang pagbabalik sa Metropolitan Theater ang ibinahagi ng Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Vilma Santos, magbabalik-Metropolitan Theater?

Isang teaser video ng kaniyang pagbabalik sa Metropolitan Theater ang ibinahagi ng Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Vilma Santos, magbabalik-Metropolitan Theater?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/25/2022 06:31 PM
Vilma Santos, magbabalik-Metropolitan Theater?

Tila may bagong aabangan sa YouTube channel ng Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto.

Sa pamamagitan ng kaniyang social media post, isang teaser video ang ipinasilip ng iconic actress sa kaniyang pagbabalik sa kaniyang naging tahanan sa loob ng siyam na taon, ang Metropolitan Theater.

 


 

Muling nagbukas ang Metropolitan Theater matapos ang mahabang panahon na renovation.

Ang Metropolitan Theater rin ang naging pangalawang tahanan ni Vilma nang magkaroon siya ng musical variety show na Vilma In Person o VIP na nagsimulang napanood dating TV network ang BBC-2 na kalaunan ay naging CITY-2.

Tuwing Biyernes ng alas-siyete ng gabi ay inaabangan ang live opening performances ni Vilma na rin bilang mahusay na dancer.

Taong 1986 hanggang 1995, napanood naman sa GMA-7 ang variety show at napalitan ng pamagat ng Vilma! bago ito tuluyang magpahinga sa ere.

Sa tulong ng kaniyang personal choreographer na si Maribeth Bichara, naging habit ng maraming Pilipino at fans ni Vilma ang weekly variety show. Ang Vilma ay produced noon ng Media Muscle Production and directed by Chit Guerrero.

Matatandaan na 2016 nang huling napanood si Vilma Santos sa pelikulang Everything About Her ng ABS-CBN Films kasama ni Xian Lim at Angel Locsin.