• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbigay ng kanyang reaksyon si Yan Asuncion sa ginawang pag-amin ni Ryan Bang tungkol sa asawa nito na si Yeng Constantino.

Asawa ni Yeng Constantino, nag-react sa ginawang pag-amin ni Ryan Bang

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Yan Asuncion sa ginawang pag-amin ni Ryan Bang tungkol sa asawa nito na si Yeng Constantino.

Asawa ni Yeng Constantino, nag-react sa ginawang pag-amin ni Ryan Bang-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/25/2022 04:01 PM
Asawa ni Yeng Constantino, nag-react sa ginawang pag-amin ni Ryan Bang
Photo credit to @yeng Instagram

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Yan Asuncion sa ginawang pag-amin ni Ryan Bang tungkol sa asawa nito na si Yeng Constantino.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)

Matatandaan na noong Enero, naging laman ng balita sina Ryan at Yeng matapos ang kanilang rebelasyon sa It's Showtime kung saan inamin ni Yeng na may pag-asa sana noon si Ryan sa kanya.


Ngunit ayon sa singer, ikinagulat na lamang niya nang biglang huminto si Ryan sa panliligaw sa kanya. Inamin din niya na nasaktan siya sa nangyari, lalo pa't wala siyang kalam-alam kung bakit bigla na lamang umiwas sa kanya si Ryan. 

Pag-amin naman ni Ryan, noong mga panahong iyon ay naduwag siya dahil tingin niya ay marami pang ibang nanliligaw kay Yeng. Bukod dito ay nanliit din umano siya sa kanyang sarili dahil nagsisimula pa lamang siya sa showbiz at wala pa siyang kapera-pera noon. 

“Nahihiya ako sa sarili ko na baka 'di ako para sa'yo. 'Yun 'yung naramdaman ko. Kahit totoo 'yung naramdaman ko sa ‘yo at minahal naman kita,” ani Ryan.

READ: Ryan Bang and Yeng Constantino get ‘closure’ about their past romantic feelings

Sa Magandang Buhay kamakailan, natanong ang asawa ni Yeng tungkol sa kanyang reaksyon sa ginawang pag-amin nito ni Ryan sa It's Showtime.

Ayon kay Yan, imbis na magselos ay natuwa pa siya dahil naka-relate umano siya sa pinagdaanan noon ni Ryan sa panliligaw sa kanyang asawa. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)

"Hindi ako nagulat. Pero natuwa talaga ako, kasi nakaka-relate din ako doon eh. Kasi syempre Yeng Constantino rin, so I kinda went through the same situation na parang nanliliit ka," saad ni Yan.

"So naka-empathize ako kay Ryan na parang, 'Bro, I know what you're feeling. Alam ko 'yung naramdaman mo.' Na-touch din ako sa story ni Ryan doon."

Pagbabalik tanaw ni Yan, maging siya ay kinabahan noon sa panliligaw niya kay Yeng dahil sa status at personalidad nito. 

"Natatakot kasi ako noon eh. Kasi syempre, Yeng Constantino eh. Tapos sino ba naman si Yan Asuncion? I didn't know what to expect nung first date namin. Medyo may wall siya eh, careful siya. Parang bakit mo ako ina-ask out? Bakit mo 'ko ininvite? Bakit tayo magkakape? So she came off as very strong," ani Yan. 

READ: Yeng Constantino shares sweet birthday greeting for husband

Mahigit pitong taon nang kasal ngayon sina Yeng at Yan.

Ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-7 anibersaryo bilang mag-asawa noong Pebrero.