Naging usap-usapan sa social media ang proposal ng basketball star na si Jeron Teng sa kanyang girlfriend.
Naganap ang proposal ni Jeron sa ngayo’y kanyang fiancée na na si Jeanine Beatrice Tsoi sa FilOil Flying V Centre sa lungsod ng San Juan.
Nagmistula namang isang mahiwagang lugar ang basketball court sa naging pagbabagong-anyo nito.
Ibinahagi ng My Metro Photo sa kanilang Instagram account ang litrato mula sa naganap na engagement nitong Lunes, ika-21 ng Marso.
Makikitang suot-suot ni Jeron ang kanyang jersey noong naglalaro pa siya para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) habang nag-aaral sa De La Salle University. Si Jeanine ay nagsilbi bilang courtside reporter ng nasabing pamantasan noon.
Tingnan ang mga litrato sa ibaba:
Ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikalimang anibersaryo bilang magkasintahan Setyembre noong nakaraang taon.
Samantala, kasalukuyan namang naglalaro para sa Alaska Aces team ng Philippine Basketball Association (PBA) si Jeron.