• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Ogie Alcasid na proud siya maging asawa ng isang mabuti at mapagmahal na tao gaya ni Regine Velasquez.

Ogie Alcasid, pumalag sa mga nagsasabing ‘husband of Regine’ lang siya

Sinabi ni Ogie Alcasid na proud siya maging asawa ng isang mabuti at mapagmahal na tao gaya ni Regine Velasquez.

Ogie Alcasid, pumalag sa mga nagsasabing ‘husband of Regine’ lang siya-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/23/2022 04:47 PM
Ogie Alcasid, pumalag sa mga nagsasabing ‘husband of Regine’ lang siya
Photo credit: @ogiealcasid Instagram

May sagot ang Kapamilya singer at It’s Showtime mainstay host na si Ogie Alcasid sa mga taong nagsasabi na asawa lang siya ni Regine Velasquez.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Ogie na nabasa niya ang isang tweet na tila nagpapahiwatig na wala siya ngayon sa kinatatayuan niya kung wala ang kanyang asawa na si Regine Velasquez-Alcasid.

READ: Ogie Alcasid, Regine Velasquez celebrate relationship milestone


“I saw a tweet before that na kawawa ako kasi I was reduced to ‘husband of Regine,’” pagbabahagi ni Ogie.

Ngunit para kay Ogie, malugod niyang tinatanggap ang mga salitang ito dahil proud siya na asawa niya ang pinakamabait at pinaka mapagmahal na tao na nakilala niya.

“Hey my bro, just want to let you know that I take pride in being husband to the kindest and most loving human one can ever meet. Peace,” saad ni Ogie.

 

 

Samantala, may sweet naman na reply ni Regine sa kanyang asawa matapos nito.

“I love you morest baba,” sambit ni Regine na may pa-heart emoji pang kasama.

 

 

Hindi naman nagpaawat si Ogie at sumagot pa nang: “I love you morestest.”

 

 

Ani naman ni Regine na may pabirong hirit: ”Baba!!! Bakit yung akin moretest???!!! Negative ako.”

 

 

Sagot naman ni Ogie: “Cute mo naman.”

 

 

Itinuturing na haligi ng industriya sina Ogie at Regine.

Ikinasal ang dalawa noong taong 2010. May isa silang anak, si Nate.