• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling pinainit ni Heaven Peralejo ang social media sa kanyang bagong bikini photos na kuha mula sa bakasyon niya sa Boracay.

Heaven Peralejo, ibinida ang bikini body sa Boracay

Muling pinainit ni Heaven Peralejo ang social media sa kanyang bagong bikini photos na kuha mula sa bakasyon niya sa Boracay.

Heaven Peralejo, ibinida ang bikini body sa Boracay-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/23/2022 12:51 PM
Heaven Peralejo, ibinida ang bikini body sa Boracay
Photo credit: @heavenperalejo Instagram

Muling pinainit ni Heaven Peralejo ang social media sa kanyang bagong bikini photos na kuha mula sa bakasyon niya sa Boracay.

Sa kanyang post sa Instagram, makikitang nakasuot ng puting two-piece swimsuit ang aktres habang naliligo sa dagat.

May caption ito na, "Heaven on earth."


Bukod dito ay nag-post din si Heaven ng ilang larawan kung saan ibinida niya ang kanyang kaseksihan at fit na pangangatawan habang naka-bikini.

Matatandaan na noon lamang Oktubre nang gulatin ni Heaven ang kanyang mga tagahanga sa kanyang swimsuit photos na kuha mula sa Siargao.

READ: Heaven Peralejo sizzles in Siargao

Unang nakilala si Heaven matapos niyang sumali sa sikat na reality show na Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Kamakailan ay bumida ang aktres sa afternoon drama na Bagong Umaga. Napanood din siya sa romance comedy series na Pasabuy, kasama ang kanyang kapwa “PBB” alum na si Gino Roque.

Huling napanood si Heaven sa pelikulang Happy Times na inilabas noong Disyembre.