• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanatiling private si Erich Gonzales sa naging pag-iisang dibdib nila ng nobyo.

Erich Gonzales, ikinasal na kay Mateo Lorenzo

Nanatiling private si Erich Gonzales sa naging pag-iisang dibdib nila ng nobyo.

Erich Gonzales, ikinasal na kay Mateo Lorenzo-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/23/2022 04:35 PM
Erich Gonzales, ikinasal na kay Mateo Lorenzo
Photo credits to the owner

Ikinasal na ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales sa kaniyang businessman-boyfriend na si Mateo Lorenzo.

Nitong Miyerkoles, March 23, 2022, kumalat ang isang deleted Instagram story ng kaanak ng groom na agad naman na screenshot ng netizens.


PHOTO COURTESY @andresdeleonlorenzo deleted IG Story

Matatandaan na kamakailan lang, nag-viral rin sa social media ang wedding banns ng aktres at ng kaniyang non-showbiz boyfriend sa Saint James the Great Parish Ayala, Alabang.

READ: Erich Gonzales at non-showbiz boyfriend Mateo Lorenzo, ikakasal na?

Si Mateo Lorenzo ay anak ng businessman na si Martin Lorenzo na nagmamay-ari ng Pancake House at Yellow Cab Pizza restaurant chain.

Matatandaan na taong 2018 nang napabalita ang romantic relationship ni Erich at ng non-showbiz boyfriend nito kung saan magkasama umanong lumipad papuntang Japan ang dalawa.

 

 

Pribado ang naging wedding ni Erich mula sa engagement hanggang sa mga wedding preparations. Naging maingat sa pagbabahagi ng detalye ang aktres sa social media.

Sa ngayon, patuloy na nag-aabang ang netizens sa official announcement ng Kapamilya actress sa panibagong chapter ng kaniyang buhay.