• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Dimples Romana na tuloy-tuloy lang ang kanyang pag-aaral kahit papasok na siya sa kanyang ikatlong trimester ng kanyang pagbubuntis.

Preggy mom Dimples Romana, ibinida ang pagiging straight A student sa New York University

Sinabi ni Dimples Romana na tuloy-tuloy lang ang kanyang pag-aaral kahit papasok na siya sa kanyang ikatlong trimester ng kanyang pagbubuntis.

Preggy mom Dimples Romana, ibinida ang pagiging straight A student sa New York University-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/22/2022 05:38 PM
Preggy mom Dimples Romana, ibinida ang pagiging straight A student sa New York University
Photo credits: @dimplesromana on Instagram

Bagama’t busy sa kanyang mga tungkulin bilang ina sa kanyang mga anak, asawa sa kanyang mister, at aktres sa kanyang karera, bigay todo pa rin si Dimples Romana sa kanyang mga gawain bilang estudyante sa New York University.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Dimples ang screenshot ng kanyang mga nakuhang grado sa New York University.


Dito, makikita ang pagpupursiging ginagawa ni Dimples na isang straight A student sa kilalang pamantasan sa US. Ito ay sa kabila ng kanyang pagiging buntis sa kanyang ikatlong anak kay Boyet Ahmee.

“Celebrating simple joys and small victories for this preggy momma.These are my grades from my past classes and my most recent class,” saad ni Dimples sa caption ng kanyang post.

Ani pa ni Dimples, “the pressure is real” lalo pa’t matalino rin umano ang kanyang anak na si Callie.

“Ay talaga naman pong nakakasaya ng puso! Pwede ko na tag si @callieahmee para proud sya kay mommy. The struggle is real pag super talino ng mga anak mo eh. Nakakapressure ate @callieahmee,” saad ni Dimples.

READ: Dimples Romana is now a student of New York University

Itinuturing itong isang malaking achievement ni Dimples lalo pa’t marami umano siyang pinagsasabay-sabay ngayon.

“In between setting up our company ABCD Productions, wifey duties, raising Ate Callie and preparing her for college, and running after this active little boy Alonzo, shooting Viral Scandal, I’ve been taking classes in @nyuniversity beginning last year and what a joy it has truly been for me!” saad ni Dimples.

READ: Dimples Romana announces that she is pregnant with her third child

Pinasalamatan naman ni Dimples ang kanyang mga propesor na aniya’y naging real-life mentors na niya.

“Grateful for having such amazing professors turned into mentors @nyuniversity @marcsomnolet @richardlgant @lorip1025,” ani Dimples.

Bagama’t papasok na siya sa ikatlong trimester ng kanyang pagbubuntis, handa na umano siyang harapin ang mga bagong hamon niya bilang estudyante.

“I have another class coming up end of month and I can’t wait to take on the new challenges that come with it while I’m also reaching my pregnancy’s third trimester. Kakayanin ‘to!” sey pa ni Dimples.

Komento naman ng kanyang kapatid na si Bam: “Hinding hindi ako nagugulat (para sa nakawitness kung paano ka ka-mamaw sa achievements noong elementary at high school ate.”

Pebrero nitong taon nang i-anunsyo ni Dimples ang kanyang pagiging estudyante sa NYU.