• Home
  • Fresh Scoops
  • Excited na ipinasilip ni Kim Chiu sa kanyang mga taga-hanga at taga-sunod ang kanyang dating walk-in closet na ngayon ay ginawa niyang home office studio.

PANOORIN: Kim Chiu, ipinasilip ang bagong home office studio

Excited na ipinasilip ni Kim Chiu sa kanyang mga taga-hanga at taga-sunod ang kanyang dating walk-in closet na ngayon ay ginawa niyang home office studio.

PANOORIN: Kim Chiu, ipinasilip ang bagong home office studio-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/22/2022 03:24 PM
PANOORIN: Kim Chiu, ipinasilip ang bagong home office studio
Screenshots from Kim Chiu PH YouTube Channel

Excited na ipinasilip ni Kim Chiu sa kanyang mga taga-hanga at taga-sunod ang kanyang dating walk-in closet na ngayon ay ginawa niyang home office studio.

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinagmalaki ng aktres na isang Cebuana rin ang nagdisenyo ng kanyang bagong home office.


"Sobrang excited ko talaga na ipakita 'to sa inyo and how it turned out. And I'm proud to say that this is designed by a Cebuana interior designer. I want to thank Miss Janet Lee of Janet Lee Designs. She's the best friend of my sister," aniya.

Paliwanag ni Kim, dahil sa pandemya kaya napagdesisyunan niyang gawin na lang na home office ang kanyang dating closet.

"Kasi now, marami na kasing mga Zoom meetings, tapos 'yung mga ganap, sa Zoom na. So dapat maganda 'yung lugar, presentable. And marami na ring content na ginagawa sa bahay. So I decided na 'yung closet ko, 'yung mga luma kong clothes ay pinamigay na namin. 'Yung iba tinago ko but mostly wala na sila. So now, ginawa ko na siyang home office studio," aniya.

Sa ngayon ay halos 100,000 na rin ang nanood ng home office tour ni Kim.

Bukod sa kanyang home office ay dati na ring ipinasilip ni Kim ang kanyang kwarto at condominium unit na aniya ay kanyang "secret hideout."

READ: Kim Chiu, ipinasilip ang kanyang ‘secret hideout’

Napapanood ngayon si Kim bilang isa sa mga main host ng ABS-CBN noontime program na It's Showtime.