Nakalaya na ang aktor na si Kit Thompson kasunod ng mga alegasyon na physical abuse at illegal detention matapos ang sinapit ng kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni.
Matatandaang inaresto si Kit noong ika-18 ng Marso matapos makatanggap ng notisya tungkol sa umano’y pambubugbog nito sa kanyang girlfriend sa isang hotel sa Tagaytay.
Kinumpirma ni Tagaytay chief of police Police Lt. Col. Rolando Baula sa ABS-CBN News ang paglaya ni Kit. Ani ng Tagaytay Police, nakalabas si Kit bandang alas singko ng hapon nitong Lunes, ika-21 ng Marso.
READ: Kit Thompson’s agency releases statement on issue surrounding actor
Kinabukasan, nagsampa ang Philippine National Police (PNP) ng reklamo kay Kit sa umano’y paglabag nito sa Section 5 (a) ng Republic Act 9262 o ng Anti-Violence against Women and Children Act.
Samantala, dumaan na si Kit sa inquest proceedings ayon sa Tagaytay Police.
Naging usap-usapan sa social media nitong mga nakaraang araw ang umano’y ginawa ni Kit kay Ana.
Naglabas na ng pahayag ang Cornerstone Entertainment, ang management agency ni Kit, ugnay sa nangyari at sinabing hindi nila kinukunsinti ang mga ganitong pangyayari.
“The Cornerstone management does not condone any act of violence and profoundly value the dignity of women. We take this opportunity to clarify that our earlier statement was issued with no knowledge or any specific details as we were in receipt only of general allegations. Neither were we privy to any photos of the incident,” ani ng Cornerstone.
OFFICIAL STATEMENT FROM CORNERSTONE ENTERTAINMENT pic.twitter.com/BaDTb701oj
— Cornerstone Entertainment (@cornerstone_ofc) March 18, 2022
Dagdag pa nito: “In this delicate situation, we subscribe to the sound discretion of law enforcement and allow the wheels of justice to take its course.”