• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa April 30 gaganapin ang coronation night ng Miss Universe Philippines.

Mandaue, Bohol, at Taguig candidates, stand out sa first three challenges ng Miss Universe PH

Sa April 30 gaganapin ang coronation night ng Miss Universe Philippines.

Mandaue, Bohol, at Taguig candidates, stand out sa first three challenges ng Miss Universe PH-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/21/2022 03:39 PM
Mandaue, Bohol, at Taguig candidates, stand out sa first three challenges ng Miss Universe PH
Photo credit to @themissuniverseph Instagram

Three challenges agad ang pinagdaanan ng Top 50 candidates ng 2022 Miss Universe Philippines.

READ: Top 50 candidates ng 2022 Miss Universe Philippines

Simula nang ipakilala ng Miss Universe Philippines ang Top 50 girls vying for Miss Universe crown, umarangkada agad ang mga challenges na dapat pagdaanan ng mga kandidata.


Una na na dito ang headshot challenge kung saan ipinakita ng mga kandidata ang kanilang natural beauty.

Dito umangat agad ang natural beauty ng pambato ng Mandaue City na si Isabel Luche.

Kasunod ng Headshot challenge ang Introduction Challenge ng mga kandidata. Dito, mas ipinakilala naman ng Top 50 candidates ang kanilang sarili at ipinasilip ang famous spots ng Pilipinas na kanilang pinagmulan.

Sa Introduction Challenge, angat naman ang Boholana beauty at ang returning candidate na si Pauline Amelinckx.

Sa Swimsuit Challenge, ipinamalas ng Top 50 girls ang kanilang swimsuit ready body na isa sa mga inaabangang bahagi ng beauty pageant.

Dito, angat ang kaseksihan ng crossover beauty ng Taguig na si Katrina Llegado.

From Top 50, 30 candidates lamang ang pipiliin para sa coronation night ng Miss Universe ngayong darating na April 30.

Inaasahan na sa mga susunod na araw, haharap pa ang Top 50 candidates sa iba’t ibang challenges bago ang coronation night.

Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City ang reigning Miss Universe Philippines na magpapasa ng korona sa 2022 Miss Universe Philippines.