• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Miss Universe 2021 first runner-up Nadia Ferreira ang bagong kasintahan ni Marc Anthony.

Ex ni Dayanara Torres at Jennifer Lopez na si Marc Anthony, inspirasyon ngayon si Miss Universe Paraguay 2021

Si Miss Universe 2021 first runner-up Nadia Ferreira ang bagong kasintahan ni Marc Anthony.

Ex ni Dayanara Torres at Jennifer Lopez na si Marc Anthony, inspirasyon ngayon si Miss Universe Paraguay 2021-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/21/2022 04:57 PM
Ex ni Dayanara Torres at Jennifer Lopez na si Marc Anthony, inspirasyon ngayon si Miss Universe Paraguay 2021
Photo credit to @marcanthony and @nadiatferreira Instagram

Matapos ang ilang sightings kay 2021 Miss Universe first runner-up Nadia Ferreira ng Paraguay kasama ang Latin singer, songwriter, at actor na si Marc Anthony, tila kinompirma na ng dalawa ang kanilang relasyon.

Sa social media post ng 53-year-old Latin star, kasama nito ang 22-year-old Miss Paraguay beauty sa naging US concert tour nito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marc Anthony (@marcanthony)


Nilagyan nito ni Marc Anthony ng caption na, “May God multiply all that you wish for us,” ang kaniyang uploaded picture kung saan akap niya ang model-beauty queen.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marc Anthony (@marcanthony)

Tila matamis rin na caption ang sagot ni Nadia sa kaniyang Instagram. Dito, pinuri niya ang concert ng singer-songwriter na “unforgettable” na sinundan red heart emoji.

Recently, trending sa social media sina Marc Anthony at Nadia matapos maging laman ng iba’t ibang Latin social media pages.

Si Marc Anthony ay naging husband ni 1993 Miss Universe Dayanara Torres noong 2000 hanggang 2004 at nagkaroon sila ng dalawang anak.

Bukod kay Dayanara, seven years naman ang naging pagsasama ni Marc Anthony sa Grammy award-winning singer na si Jennifer Lopez kung saan nagkaroon ito ng kambal na anak.

Pagkatapos ng kanyang divorce kay Jennifer Lopez, muling ikinasal si Marc Anthony sa Venezuelan model na si Shannon Lima bago sila naghiwalay after three years of marriage.

Meanwhile, isang active runway model naman si Nadia Ferreira matapos ang kaniyang naging laban sa Miss Universe noong 2021 sa Eilat, Israel kung saan kinoronahan si Harnaaz Sandhu ng India.