• Home
  • Fresh Scoops
  • Inanunsyo ni Angelica Panganiban na buntis siya sa kanyang unang anak.

Angelica Panganiban, kinumpirma ang pagbubuntis

Inanunsyo ni Angelica Panganiban na buntis siya sa kanyang unang anak.

Angelica Panganiban, kinumpirma ang pagbubuntis-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/20/2022 01:12 PM
Angelica Panganiban, kinumpirma ang pagbubuntis
Photo credit: @iamangelicap Instagram

Kinumpirma ni Angelica Panganiban ang kanyang pagbubuntis sa kanyang unang anak sa partner na si Gregg Homan. 

Sa isang Instagram post, tinuldukan na ni Angelica ang tanong ng marami matapos lumabas ang usap-usapan tungkol sa kanyang pagbubuntis nitong mga nakaraang linggo. 

READ: Angelica Panganiban celebrates birthday with BF, friends in Subic


Masayang ibinahagi ni Angelica ang balita tungkol sa kanyang pagbubuntis na aniya’y isa sa pinakahihintay na kaganapan sa kanyang buhay. 

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako,” ani Angge. 

Biro pa ni Angge: “Opo, may matres ako mga baklaaah!” 

Samantala, nagpasalamat si Angge sa mga taong nagdasal para sa kanya. 

“Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin,” ani Angelica. 

BASAHIN: Angelica Panganiban shares sweet anniversary message for boyfriend

Hindi naman napigilan ni Angge na maging emosyonal tungkol sa kanyang pagbubuntis at sinabing: “Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko. Kaiyak pramis.” 

Ipinakilala ni Angelica si Gregg sa publiko Enero noong nakaraang taon. Hulyo ng parehong taon nang ipagdiwang nina Angelica at Greg ang kanilang unang anibersaryo.