• Home
  • Fresh Scoops
  • Ginamit ng isang scammer ang pangalan ni Gabby Eigenmann upang makapangloko ng ibang tao.

Gabby Eigenmann, pinuntirya ng scammer; Rocco Nacino hiningan ng 10K

Ginamit ng isang scammer ang pangalan ni Gabby Eigenmann upang makapangloko ng ibang tao.

Gabby Eigenmann, pinuntirya ng scammer; Rocco Nacino hiningan ng 10K -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/02/2022 10:04 AM
Gabby Eigenmann, pinuntirya ng scammer; Rocco Nacino hiningan ng 10K
Photo credits to @nacinorocco @gabbyeigenmann on Instagram

Ginagamit ngayon ng isang scammer ang pagkakakilanlan ng aktor na si Gabby Eigenmann upang makapanghuthot ng pera mula sa ibang tao. 

Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Gabby, sinabi nito na ginamit ang kanyang pangalan upang makahingi ng perang nagkakahalaga ng 10,000 pesos mula kay Rocco Nacino. 

Ani Gabby, nakatanggap siya ng tawag mula kay Rocco tungkol dito upang kumpirmahin kung siya at ang taong nagmi-message umano sa kanya sa app na Telegram ay iisa. 


“Got a call from my friend @nacinorocco , asking if I was the one messaging him on telegram.. sad to say there’s this person using my name and profile pic asking for money,” ani Gabby. 

Nagbigay naman ng babala si Gabby sa kanyang mga followers na huwag umanong pansinin sakaling may mag-message sa kanila na nagpapaggap bilang siya. 

“Pls do not entertain any messages from this person pretending to be me. Kung sino ka man tigilin mo na ang pangloloko sa mga tao, mas doble ang balik sa karma,” ani Gabby. 

Samantala, ibinahagi naman ni Rocco sa kanyang mga tagahanga ang kanyang naging karanasan. 

Pag-amin pa niya, muntikan na siyang maniwala hanggang sa naalala niya na mayaman si Gabby at imposible umano itong mangutang. 

“So this happened a few days ago. Namuntikan pa ako dahil bagong gising ako. Buti nalang at naisipan ko muna silipin ang contact number para iverify at tawagan si @gabbyeigenmann para manigurado. Kasi alam ko mayaman ‘tong si brother Gabby at kung meron man uutang ako dapat un sa kanya HAHAHA,” ani Rocco. 

“Ayan, confirmed. At nagsimula na ang pakikiride ko sa poser na ito para makuha number niya,” dagdag pa niya. 

Nalungkot naman umano si Rocco sa ginawa nang taong ito at sinabing umaasa siya na sana ay magsilbi itong aral para sa iba. 

“It's sad to know that may mga gumagawa talaga ng ganito. Sana maging aral ito para sa’tin lahat na magingat palagi at magkaroon ng presence of mind lalo na kapag pera na ang usapan,” ani Rocco. 

Mensahe naman niya sa taong nanloko sa kanya: “Sa taong ito, sana makonsensya ka sa ginagawa mo, at karma na ang bahala sayo. Kung kailangan mo ng pera, gumawa ka ng tamang paraan para makaipon. Hindi lahat naso-shortcut.”

Rocco Nacino reveals he almost rescheduled his wedding

Sinabi naman ni Rocco na i-rereport niya ito para hindi na makapangloko ng iba pang tao. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

“Sa mga followers ko, kung gusto niyo siya pagtripan. Ayan ang number nya🤣 will be reporting this also to the authorities para mahanap ang taong to at wala na sya maloko. Be safe everyone. Doble ingat palagi,” ani Rocco.