• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Alexa Ilacad, kasama sa kanyang bucket list ang magkaroon sila ni KD Estrada ng sarili nilang pelikula.

Alexa Ilacad, nais gumawa ng pelikula kasama si KD Estrada

Ayon kay Alexa Ilacad, kasama sa kanyang bucket list ang magkaroon sila ni KD Estrada ng sarili nilang pelikula.

Alexa Ilacad, nais gumawa ng pelikula kasama si KD Estrada-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/02/2022 04:32 PM
Alexa Ilacad, nais gumawa ng pelikula kasama si KD Estrada
Photo credit to @kdestrada_ Instagram

Nais ng aktres at singer na si Alexa Ilacad na makagawa rin ng pelikula kasama ang kanyang onscreen partner na si KD Estrada.

Sa Inside News ng Star Magic, ibinahagi ni Alexa kung ano pang mga bagay ang nais niyang magawa nila ni KD bilang love team.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by keidi (@kdestrada_)


"Well actually sa ngayon po, I'm really happy sa lahat ng nangyayari. Natupad 'yung fan con, which is pangarap namin. May series. Siguro sana movie? Kung pagbibigyan ng universe, ni Lord?" aniya.

Ayon sa aktres, kasama sa kanyang bucket list ang magkaroon sila ni KD ng sarili nilang pelikula.

Nakatakdang bumida ang dalawa sa isang serye ng iWantTFC at Dreamscape Entertainment. Wala pang ibang detalye na inilalabas tungkol sa nasabing proyekto, ngunit ayon kay Alexa, ipapalabas na ito ngayong summer. 

READ: Alexa Ilacad on rumored relationship with KD Estrada: ‘Sa totoo lang puwede na nga eh’

Samantala, nagpasalamat din si Alexa sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa virtual fan conference nila ni KD na pinamagatang Closer.

"Maraming salamat talaga. Number one to all our supporters, sa lahat ng Sweethearts, talagang trinabaho nila nang bonggang bongga 'yung araw na 'yun. Nagpa-trend sila and I'm proud of them kasi na-reach po nila 'yung goal nila which is more than a million tweets. Ang galing talaga nila grabe," aniya.

"We owe the fan con to them. The reason why we have our fan con is because of them, because of their support, their presence, and their love for us," sabi pa niya. "So I'm really thankful to everyone who watched, who bought their tickets, who waited to buy their tickets. Lahat ng mga nanonood, talagang nagpapasalamat po ako."

Bukod dito ay nagpasalamat din si Alexa sa mga bumati sa kanya noong ika-22 kaarawan niya.

"And of course sa lahat ng bumati sa akin nung birthday ko, each and every one of them. Hindi ko man nasagot lahat pero sobra akong thankful po na lahat sila nag-send ng well-wishes and birthday wishes nila for me," aniya.

Kwento ni Alexa, pagkatapos ng kanilang fan con ay sinorpresa siya ni KD, kasama ng kanyang mga malalapit na kaibigan at pamilya, sa isang sikat na hotel. 

"It was great. We had a fan con and then a fan meet after. Pero in between all of that, my loved ones surprised me for my birthday. Nag-book sila ng sobrang laking room sa Okada. Lahat ng friends ko andoon, sina Shanaia (Gomez). Of course si KD, 'yung family niya and my family also. 'Yon, ang saya sobra," aniya.

READ: Alexa Ilacad’s birthday party with KD Estrada, Shanaia Gomez, and Karen Bordador

Pebrero 26 noong ipinagdiwang ni Alexa ang kanyang ika-22 na kaarawan.

Sa loob ng pamosong Bahay ni Kuya unang nagkakilala ang aktres at si KD, na isa ring singer. Dito rin nabuo ang kanilang tambalan na binansagang "KLex."