• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ni Sunshine Cruz na sagutin ang isang netizen na pumuna sa kanyang pananamit at sinabing hindi na ito naaayon sa kanyang edad.

Feeling ‘teenager?’ Sunshine Cruz, umalma sa basher

Hindi napigilan ni Sunshine Cruz na sagutin ang isang netizen na pumuna sa kanyang pananamit at sinabing hindi na ito naaayon sa kanyang edad.

Feeling ‘teenager?’ Sunshine Cruz, umalma sa basher-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/18/2022 03:35 PM
Feeling ‘teenager?’ Sunshine Cruz, umalma sa basher
Photo credit to @sunshinecruz718 Instagram

Hindi napigilan ni Sunshine Cruz na sagutin ang isang netizen na pumuna sa kanyang pananamit at sinabing hindi na ito naaayon sa kanyang edad. 

Sa kanyang Facebook account kamakailan, isang mensahe ang ibinahagi ng aktres kung saan hinikayat niya ang kapwa kababaihan na manamit ayon sa kanilang kagustuhan at hindi para makuha ang approval ng ibang tao.

"Ladies! Wear clothes that make you happy and feel pretty. That's all that matters," ani Sunshine.


"'Women should empower each other instead of being so hateful, envious of one another.' Good afternoon everyone!"

Pahayag ng isang netizen sa comment section ng kanyang post: "Aywan. Katanda na, ang attire parang teenager."

Sa kanyang naging sagot, iginiit ni Sunshine na walang masama at wala rin umanong mali sa pagsuot niya ng mga sexy at trendy na damit.

"Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don't think may chart and attire according to age. Basta happy at confident go lang po! Walang bawal at masama," aniya.

Kilala si Sunshine bilang isa sa mga ageless beauties sa showbiz. 

Mayroon nang tatlong anak ang aktres—sina Angelina, Sam at Chesca Cruz—sa dating asawa nito na si Cesar Montano.