• Home
  • Fresh Scoops
  • Nauwi na nga ba sa totohanan ang tuksuhan lamang noon kina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista?

Sila na ba? Herbert Bautista, number 1 sa puso ni Ruffa Gutierrez

Nauwi na nga ba sa totohanan ang tuksuhan lamang noon kina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista?

Sila na ba? Herbert Bautista, number 1 sa puso ni Ruffa Gutierrez-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/17/2022 03:06 PM
Sila na ba? Herbert Bautista, number 1 sa puso ni Ruffa Gutierrez
Photo credit to @iloveruffag Instagram

Tila nauwi na sa matamis na pag-iibigan ang mabuting pagkakaibigan ng TV host at former beauty queen na si Ruffa Gutierrez at ng actor-comedian na si Herbert Bautista.

Kasunod ito ng isang makahulugang social media post ni Ruffa kung saan ibinahagi niya ang video compilation ni Herbert na nangagampanya.

Sa bahagi ng caption ni Ruffa: sinabi nitong “#1 sa puso ko!” si Herbert na sinundan ng purple and green heart emoji na may hand sign na 🤟 na ang kahulugan ay “I love you”.


Taong 2020 nang nag reconnect si Ruffa at Herbert ng nagsama sila sa Kapamilya projects na The House Arrest of Us kung saan gumanap sila bilang mag-asawa at magulang ng karakter ni Kathryn Bernardo.

Matatandaan rin na minsan nang umugong ang diumano’y matamis na pagtitinginan nina Ruffa at Herbert sa kalagitnaan ng promotions ng KathNiel project.

Si Jourdan Mouyal ang last relationship ni Ruffa habang ang Queen of All Media na si Kris Aquino naman ang huling na link kay Herbert.

RELATED ARTICLE: Ruffa Gutierrez on breakup with boyfriend: ‘It’s easy to fall in love but it takes work to stay in love’

Sa ngayon, nanatiling tikom si Ruffa at Herbert sa real score tungkol sa kanilang relasyon.