• Home
  • Fresh Scoops
  • Kumpirmado nang mag-dyowa sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, mag-dyowa na

Kumpirmado nang mag-dyowa sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, mag-dyowa na-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/17/2022 05:34 PM
Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, mag-dyowa na
Photo credits: @rabiyamateo on Instagram

Kinumpirma ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at aktor na si Jeric Gonzales na mag-dwoya na sila.

Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Jeric nitong Miyerkoles, ika-17 ng Marso, ibinahagi ni Rabiya ang mga sweet na litrato nila ni Jeric na may caption na “Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric,” na may shining at heart emojis. 

READ: Rabiya Mateo releases first vlog


May kasama pa itong video kung saan makikitang buhat-buhat ni Jeric si Rabiya pababa ng isang hagdan at litrato kung saan magkaakbay silang dalawa.  

Wala man sinabing direkta si Rabiya tungkol sa estado ng kanilang relasyon, kita naman ang ka-sweetan nila sa isa’t-isa. Maliban pa dito, mismong si Jeric ang nagsabi ng mga katagang kinakiligan ng fans. 

“Let's be happy together ✨❤️ I love you,” komento ni Jeric. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Maging ang beauty queen na si Beatrice Luigi Gomez ay hindi napigilang kiligin sa dalawa. 

Makalipas lamang ang dalawang oras, sinundan ni Jeric ang post ni Rabiya ng isang post kung saan ipinasilip niya ang ilan sa mga memories nila together. 

“To more memories with you ✨❤️ @rabiyamateo I love you,” saad ni Jeric sa caption ng kanyang Instagram post. 

Samantala, sunod-sunod naman ang naging komento ng pagbati ng mga kasama ni Jeric gaya nina Juancho Trivino, EA Guzman, at Kristoffer Martin.