• Home
  • Fresh Scoops
  • Paulo Avelino, ibinahaging nakausap na si LJ Reyes para sa planong pagbisita sa anak nilang si Aki sa US.

Paulo Avelino, planong bisitahin ang anak sa US

Paulo Avelino, ibinahaging nakausap na si LJ Reyes para sa planong pagbisita sa anak nilang si Aki sa US.

Paulo Avelino, planong bisitahin ang anak sa US-Gary Ann  Lastrilla
BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

03/17/2022 11:11 AM
Paulo Avelino, planong bisitahin ang anak sa US
Screenshot of Paulo Avelino from Ogie Alcasid’s Facebook Live and credit to @lj_reyes Instagram for Aki’s Photo

Ibinahagi ni Paulo Avelino ang planong pagbisita sa anak na si Aki pagpunta nito sa United States para sa concert ni singer-songwriter Ogie Alcasid ngayong buwan. 

Kasama kasi si Paulo, pati na rin ang aktres na si Janine Gutierrez, bilang guest sa OA Sa Love in the U.S.A. concert ni Ogie na gaganapin sa Alex Theatre in Glendale, California on March 26, 2022. 


Sa virtual media event na ginanap kamakailan, natanong si Paulo kung totoo bang tutuloy siyang New York para dalawin na rin ang anak niya sa aktres na si LJ Reyes na si Aki. Sagot niya, “Opo. Actually, namention ko na sa mommy niya. Tinatanong lang kung ano ‘yung dates. Pero nando’n na rin ako, might as well see my son. I haven’t seen him since they left.” 

“Excited na excited na rin akong makausap ang anak ko kasi nag-i-school na rin do’n and everything,” dagdag pa ng 33-year-old actor.

Matatandaan na lumipad pa-US si LJ Reyes kasama si Aki at anak na si Summer sa aktor na si Paolo Contis matapos ang hiwalayan ng dalawa last year. 

READ: LJ Reyes shares update about her life in New York: ‘Back to regular programming’

Samantala, nauna nang ikwento ni Paulo sa press conference ng defunct seryeng Marry Me, Marry You noong Nobyembre ng nakaraang taon kung paano sila nagbobonding ng anak bagama’t nasa US na ito. 

READ: Paulo Avelino reveals his son Aki is now studying in New York City

“We do phone calls every now and then kung kailan siya free since baliktad na din yung oras. Minsan masyado nang late rin para makausap ko siya. Pero usually ang bonding namin parang gaming rin talaga. Kumbaga, parang mahilig din sa games yung anak ko. Siguro nagmana sa tatay,” aniya.

Samantala, tinukso naman ang aktor bilang kasama rin sa virtual event ang nalilink sa kanyang aktres na si Janine na kapareha niya sa Marry Me, Marry You. Kasama raw ba ang aktres sa New York? Sagot ni Janine, “I don’t know pa po my plans eh but for sure, gusto ko rin pong sulitin ‘yung trip sa US dahil siyempre bihira lang po makabiyahe ngayon so we’ll see.”

Nang tanungin kung ilang days sila doon kasama si Ogie, ibinahagi ni Janine ang iba pa niyang plano habang nasa abroad. Aniya, “I think around two weeks, more or less. Inaayos ko pa po ‘yung [schedule] eh para malaman kung kailan makapapag-Disneyland. So ano na lang, I’m sure sa Instagram, update ko silang lahat once we’re there.”