• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss niyo ba ang mga artistang ito na piniling manirahan na sa ibang bansa?

Mga artistang piniling manirahan sa ibang bansa: Where are they now? Part 1 | Pushpins

Miss niyo ba ang mga artistang ito na piniling manirahan na sa ibang bansa?

Mga artistang piniling manirahan sa ibang bansa: Where are they now? Part 1 | Pushpins-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/20/2022 08:00 AM
Mga artistang piniling manirahan sa ibang bansa: Where are they now? Part 1 | Pushpins
Photo credit to @macherieamour, @mischejewel, @nancycastiglione and @richasuncionmudie Instagram

Maraming artista ang iniwan ang limelight para magfocus sa kanilang pamilya at personal na buhay. 

Gaya na lamang ng mga artistang ito na piniling manirahan sa ibang bansa upang magsimula ng panibagong chapter ng kanilang buhay. 

Sinu-sino sila? 


Let's find out.  

 

1. Cherie Gil 

Isang revelation cover story ang inilabas ng Mega magazine noong February 2022 kung saan makikitang nagpakalbo si Cherie Gil.

Maliban sa new look ni Cherie ay dito niya rin unang ipinaalam sa publiko na lumipat at nakatira na siya sa New York.

Ibinahagi rin ng veteran actress na kasama sa naging desisyon niyang tumira sa ibang bansa ay para i-prioritize ang kanyang mental, emotional, at spiritual state.

Sa ngayon ay kasama ni Cherie ang kanyang mga anak sa New York na sina Bianca at Raphael Rogoff.

READ: Cherie Gil moves abroad: ‘I sold everything and packed up’

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Cherie Gil (@macherieamour)

 

2. Jewel Mische 

Taong 2013 nang nagpasya si Jewel Mische na iwan ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para manirahan sa Michigan, USA.  

Simula noong ay lumayo sa limelight si Jewel at ikinasal sa asawa nitong si Alex Kurzer. 

Ipinanganak ni Jewel ang kanyang unang baby noong July 2018. Nasundan ito makalipas ang dalawang taon nang muling nanganak noong April 2020. 

November 2021 naman nang ipangangak nito ang kanyang third child. 

Naka-focus ngayon si Jewel sa kanyang pamilya at pag-aalaga sa kanyang tatlong babaeng anak. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jewel Kurzer (@mischejewel)

 

3. Nancy Castiglione 

Mahigit isang dekada na simula nang lisanin ni Nancy Castiglione ang Philippine showbiz noong 2010. 

Nakabase na ngayon si Nancy at ang kanyang pamilya sa Canada. 

Kasalukuyang mayroong tatlong anak si Nancy at asawa nitong si Ritchie Bautista. 

Base sa kanyang Instagram profile ay busy si Nancy sa paggawa at pagbibigay ng oportunidad para sa mga digital content creators. 

 

4. Rich Asuncion

Noong March 2020 ay nagpasya na si Rich Asuncion na tumira kasama ang kanyang pamilya sa Australia. 

March 2021 naman nang ibahagi nito ang ilang litrato nilang pamilya sa Australia para ipagdiwang ang isang taon nilang pagtira doon. 

Habang nasa Australia ay nag-enroll si Rich sa isang online course para sa degree in Early Childhood Education and Care. 

Maliban sa trabaho bilang waitress ay nagkaroon din siya ng full-time job sa daycare center kung saan nag-aaral ang kanyang anak na si Isabella. 

 

Tingnan ang mga artistang ito sa episode na ito ng Pushpins.  

Gusto niyo rin ba tumira sa ibang bansa?