• Home
  • Fresh Scoops
  • Binigyan ni Vice Ganda ng pagkakataon ang mga tagahanga ng kanyang ‘It’s Showtime’ co-hosts na masilip ang kanilang mga sasakyan.

PANOORIN: Vice Ganda, ni-raid ang mga sasakyan ng kapwa ‘It’s Showtime’ hosts

Binigyan ni Vice Ganda ng pagkakataon ang mga tagahanga ng kanyang ‘It’s Showtime’ co-hosts na masilip ang kanilang mga sasakyan.

PANOORIN: Vice Ganda, ni-raid ang mga sasakyan ng kapwa ‘It’s Showtime’ hosts-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/16/2022 04:01 PM
PANOORIN: Vice Ganda, ni-raid ang mga sasakyan ng kapwa ‘It’s Showtime’ hosts
Screenshots from Vice Ganda YouTube Channel

May pa-sorpresa si Vice Ganda para sa mga curious malaman kung anu-ano ang itsura ng mga sasakyan ng mga It’s Showtime hosts. 

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinasilip ni Vice sa kanyang mga tagahanga ang mga sasakyan ng mga co-hosts niya sa It’s Showtime matapos siyang makatanggap ng sunod-sunod na requests tungkol dito.


Ilan dito sa mga celebrities na ipinasilip ang kanilang mga sasakyan ay sina Ogie Alcasid, Ryan Bang, Vhong Navarro, Karylle, Amy Perez, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz. 

Parehas na nagmamay-ari ng Toyota Land Cruiser sina Ogie at Vhong. Anila, diesel ang gamit nila kaya naman tipid ito sa fuel.

Parehas naman na naka Mitsubishi Montero Sport sina Karylle at Jugs. Nagustuhan naman umano nila ang laki ng espasyo sa loob nito. Ito rin ang dahilan kung bakit pinili ni Ryan ang Hyundai Starex. 

Pinili naman nina Jackie Gonzaga ang Suzuki Jimny at ni Amy Perez ang mini cooper dahil gusto umano nila ng maliit lang na sasakyan. 

READ: Vice Ganda teases about possible 'plot twist' on 'It's Showtime'

Samantala, naka-Ford Raptor naman si Teddy Corpuz dahil nagagamit niya ito kasama ang kanyang pamilya at kaibigan sa kanyang mga adventures. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Hindi naman ito ang unang beses na nag-guest ang mga co-hosts ni Vice sa It’s Showtime sa kanyang vlog.