Jericho Rosales, bibida sa international action series na ‘Sellblock’

May bagong proyekto si Jericho Rosales na dapat abangan.

Jericho Rosales, bibida sa international action series na ‘Sellblock’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/16/2022 07:58 PM
Jericho Rosales, bibida sa international action series na ‘Sellblock’
Photo credits: @jerichorosalesofficial on Instagram

Si Jericho Rosales ang napiling bibida sa upcoming action series ng ABS-CBN at Black Ops Studios Asia na Sellblock.

Ani ng ABS-CBN international production and co-production head na si Ruel S. Bayani, ikinagagalak nilang i-anunsyo ang pagiging bida ni Jericho sa inaabangang proyekto lalo pa’t isa ang “Asian Drama King” sa pinakamagaling na aktor sa bansa. 

“ABS-CBN is excited to announce that ‘Sellblock’ will be headlined by our very own Jericho Rosales. In his nearly three decade-long career Jericho has earned the title of ‘Asian drama king’ and is one of our network’s finest homegrown talents and country’s top leading men,” ani Ruel na mas kilala bilang RSB. 


Makakasama naman ni Jericho sina Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Ronnie Lazaro, Rosanna Roces, Mon Confiado, at RK Bagatsing sa nasabing proyekto.

Kasama ang proyekto sa inanunsyo ng BlackOps sa listahan ng mga proyekto nila kasama ang kanilang creative partner na Psyops8 at co-production houses na Story Arch Pictures at Agog Film Productions. 

Ayon sa Variety, opisyal nang financial partner ng BlackOps ang Hong Kong-based New Asia Ferrell Asset Management Limited para maisakatuparan ang pagbuo ng proyekto. 

Samantala, nagpakita naman ang Film Development Council of the Philippines ng suporta para sa nasabing proyekto.