• Home
  • Fresh Scoops
  • Na-spottan ng ilang netizens na magkasama sina James Reid at Nancy McDonie ng MOMOLAND.

James Reid at MOMOLAND member Nancy, spotted together sa LA?

Na-spottan ng ilang netizens na magkasama sina James Reid at Nancy McDonie ng MOMOLAND.

James Reid at MOMOLAND member Nancy, spotted together sa LA?-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

03/16/2022 06:33 PM
James Reid at MOMOLAND member Nancy, spotted together sa LA?
Photo credits: @jamesxnancy_ on Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y pagkikita nina James Reid at ang miyembro ng K-Pop group na MOMOLAND na si Nancy Jewel McDonie o mas kilala bilang Nancy.

Isang fan na may username na jamesxnancy ang nagbahagi ng iba’t-ibang larawan at video kung saan makikitang magkasama sina James at Nancy.

Spotted ang dalawa sa Six Flags Magic Mountain Theme Park sa California, 


Sa isa pang video, makikitang kasama ng dalawa isang restaurant ang dating housemate ni James sa Pinoy Big Brother na si Ivan Dorschner. 

 

Matatandaang magsasama dapat ang dalawa sa isang proyekto na may pamagat na“The Soulmate Project ngunit naudlot ito. Nakatakda na sanang simulan ang shooting para sa nasabing proyekto noong 2020 ngunit hindi ito natuloy.

READ: James Reid and Nancy McDonie starrer ‘The Soulmate Project’ will push through in 2021

Sinabi naman ni Antoinette Jadaone Pebrero taong 2021 na hindi muna niya ito gagawin hangga’t marami pang restriksyon para sa paggawa ng serye dahil sa pandemic. 

Kinumpirma naman ni James sa parehong buwan na hindi na niya gagawin ang proyekto.